Joshua Garcia ipinagluto si Emilienne Vigier, pila para sa binata tinapos na nga ba? | Bandera

Joshua Garcia ipinagluto si Emilienne Vigier, pila para sa binata tinapos na nga ba?

Therese Arceo |July 25,2023
facebook
share this

Joshua Garcia ipinagluto si Emilienne Vigier, pila para sa binata tinapos na nga ba?

Therese Arceo - July 25, 2023 - 08:36 PM

Joshua Garcia ipinagluto si Emilienne Vigier, pila para sa binata tinapos na nga ba?

PALAISIPAN sa madlang people kung ano nga ba talaga ang real score sa pagitan ng Kapamilya actor na si Joshua Garcia at Filipina-French athlete na si Emilienne Vigier.

Paano ba naman ay makikita sa Instagram story ng atleta ang nakatalikod na Kapamilya actor habang abala ito sa pagluluto.

Tugma rin ang naging IG story ni Joshua dahil parehong pareho ang itsura ng lugar at ang pinagkaiba lang ay hindi makikita ang mukha ng binata.

May Instagram post rin ang Kapamilya actor sa kanyang naging preparasyon ng kanyang inilutong pork katsu.

“Cooking Diary,” saad ni Joshua kalakip ang steps sa pagluluto.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

 

Baka Bet Mo: Joshua bet na bet ang OOTD ni Barbie sa GMA Gala 2023, pang-‘best dressed’ award: ‘Hindi siya ganu’n ka-flashy pero nandu’n yung pagka-elegante’

 

Umani naman ng samu’t saring komento mula sa mga netizens ang naturang post at tila pilit pinapaamin ang Kapamilya actor patungkol sa kung ano nga ba ang namamagitan sa kanila ni Emilienne.

“Cooking partner reveal,” hirit ng isang netizen kay Joshua.

Comment naman ng isa, “@emiliennevigier nice slowly confirming na kayo na talaga.”

Tukso naman ng isang netizen kay Joshua, “Parang nakita ko to sa ig story.” ni…

“Nakita ko sa Ig story ni ano yung isang food dyan hahahaha yung mukhang giniling haha,” saad naman ng isa.

Well, sa ngayon ay tikom naman ang bibig ni Joshua patungkol sa kanyang personal na buhay gaya ng kanyang love life.

Unang napabalita na may “something” sa dalawa nang mapagtahi ng mga netizens na magkasama ang dalawa sa isang bakasyon sa El Nido, Palawan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bago pa man ang pagkaka-link ni Joshua kay Emilienne ay na-link muna ito sa content reator at YouTube vlogger na si Bella Racelis.

Related Chika:
Joshua Garcia single na single pa rin, umaming naiinggit sa mga kaibigang may mga dyowa

Alden Richards pinili si Joshua Garcia para gumanap sa part 2 ng kanyang life story sa ‘Magpakailanman’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending