Joshua sa balitang nagpaplano nang magpakasal sina Julia at Gerald: 'Kung saan sila masaya, support ako du'n' | Bandera

Joshua sa balitang nagpaplano nang magpakasal sina Julia at Gerald: ‘Kung saan sila masaya, support ako du’n’

Ervin Santiago |May 29,2023
facebook
share this

Joshua sa balitang nagpaplano nang magpakasal sina Julia at Gerald: ‘Kung saan sila masaya, support ako du’n’

Ervin Santiago - May 29, 2023 - 07:42 AM

Joshua shookt sa balitang nagpaplano nang magpakasal sina Julia at Gerald: 'Kung saan sila masaya, support ako du'n'

Joshua Garcia, Julia Barretto at Gerald Anderson

HALATANG na-shock si Joshua Garcia nang hingan ng reaksyon sa balitang magpapakasal na umano ang ex-girlfriend niyang si Julia Barretto at si Gerald Anderson.

Sa nakaraang grand mediacon ng unang collaboration project ng ABS-CBN at GMA 7 na “Unbreak My Heart”, nakorner ng ilang members ng entertainment press si Joshua at isa sa mga ibinatong question sa kanya ay ang tungkol nga kina Julia at Gerald.

Kitang-kita ang pagkabigla ng aktor bago sumagot ng, “Oh, they’re planning to get married? Hindi ko alam, bago sa akin ‘yan.

“Ngayon ko lang narinig ‘yan,” ang pag-amin ni Joshua sa harap ng media sabay sabing, “Pero kung saan sila masaya, support ako ru’n.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Aniya, matagal na silang hindi nagkikita at nagkakausap ni Julia dahil pareho silang busy sa kanilang respective career. Pero okay naman daw sila ng dalaga kahit noong maghiwalay sila.

Sa tanong kung payag ba siyang makasama uli ang ex-dyowa sa isang project, wala raw itong problema sa kanya, “Kung meron man, siya ‘yung unang-unang pumapasok sa isip ko talaga.”

At nang kumustahin naman ang kalagayan ngayon ng kanyang puso, “Masaya ako ngayon. In love ako sa trabaho ko ngayon, very in love.”

Baka Bet Mo: Bea walang inabandonang show sa ABS-CBN: Ano yung sinasabi ng direktor na may iniwang serye?

Pwede ba siyang ma-in love siya sa babaeng mas matanda sa kanya tulad ng karakter niya sa “Unbreak My Heart”? “Oo naman. Ako kasi 25 years old na ako turning 26 this year. Naghahanap na ako ng deeper connection emotionally.

“Parte na iyon ng pagiging masaya.Iyong exciting and then iyong love part, mas deep connection na ang hanap ko,” aniya pa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Samantala, feeling lucky and blessed talaga ngayon si Joshua dahil  napasama siya sa seryeng “Unbreak My Heart” kung saan bibida rin sina Jodi Sta. Maria, Gabbi Garcia at Richard Yap.

“Sobrang saya ko. I’m more than blessed to be here, to be part of this project, and hopefully, hindi lang ito ‘yung magawa ko sa collaboration na ‘to,” pahayag ni Joshua.

“I’m grateful to be part of this historical event, this partnership. And masaya lang talaga ako. Ine-embrace ko lang siya na parte ako nito. Nu’ng una, kinakabahan ako, siyempre.

“Na-excite ako, mixed emotions. Pero ngayon, masaya na lang ako and ine-embrace ko na lang kung ano’ng nangyayari sa akin,” pagbabahagi pa ni Joshua.

Nagpapasalamat din ang aktor na pagkatapos ng epekto ng pandemic sa showbiz ay nandito pa rin siya at patuloy na gumagawa ng mga magagandang proyekto.

Ang “Unbreak My Heart” ay mula sa direksyon nina Emmanuel Palo at Dolly Dulu mula sa Dreamscape Entertainment. Mapapanood na ito simula ngayong araw, May 29, 9:35 p.m. sa GMA Telebabad.

Kakai: Hindi lahat ng babae pangarap magka-boyfriend, at hindi lahat ng babae gustong mag-asawa at magkaanak!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kylie sa pagiging ‘third party’ daw ni AJ sa paghihiwalay nila ni Aljur: This is the last time na magsasalita ako…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending