Joshua willing makatrabaho si Julia Barretto sa future projects

Joshua Garcia willing makatrabaho si Julia Barretto sa future projects: Sinasabi ko sa mga bossing namin ‘yan

Pauline del Rosario |May 26,2023
facebook
share this

Joshua Garcia willing makatrabaho si Julia Barretto sa future projects: Sinasabi ko sa mga bossing namin ‘yan

Pauline del Rosario - May 26, 2023 - 12:04 PM

Joshua Garcia willing makatrabaho si Julia Barretto sa future projects: Sinasabi ko sa mga bossing namin ‘yan

Joshua Gracia, Julia Barretto

MUKHANG maayos na ang lahat sa pagitan ng dating mag-dyowa na sina Julia Barretto at Joshua Garcia.

Nabanggit pa nga ng aktor sa naging interview sa programang “Fast Talk with Boy Abunda” na handa siyang makatrabaho ulit ang aktres sakaling mabigyan ng pagkakataon.

Hindi man kinumpirma ni Joshua kung magkaibigan sila ni Julia, pero tiniyak niya na okay naman sila ngayon.

“Are you friends with Julia?” tanong ng King of Talk na si Boy Abunda kay Joshua.

Sagot naman ng aktor, “OK naman kami.”

Baka Bet Mo: Joshua Garcia may nakakalokang ginawa matapos ma-brokenhearted, hindi naligo ng dalawang araw

Nag-follow up question pa si Tito Boy at tinanong si Joshua kung willing din ba siyang maka-work si Julia in the future.

“Yes, sinasabi ko sa mga bossing namin ‘yan,” mabilis na sagot naman ng aktor sa kanya.

Kung maaalala, huling nagkatambal sina Joshua at Julia sa music video ng kantang “Paubaya” ng singer na si Moira Dela Torre.

Nag-trending pa nga noon ang nasabing video dahil ang paniniwala ng lahat ay ito ang closure video ng JoshLia dahil wala naman silang paliwanag kung bakit sila naghiwalay.

Magugunitang nagkahiwalay ang dalawa noong 2019.

Taong 2021 naman nang kumpirmahin ni Julia ang tungkol sa tunay na relasyon nila ng aktor na si Gerald Anderson.

Noong nakaraan lamang ay na-link naman si Joshua sa vlogger at content creator na si Bella Racelis ngunit matapos ang ilang buwan na walang pag-amin ay tila natapos ang “something” sa dalawa nang i-unfollow ng dalaga ang aktor.

Sa ngayon ay abala si Joshua sa pagpo-promote ng “Unbreak My Heart”, isa sa mga malaking proyekto na pinagsamahan ng ABS-CBN, GMA, at Viu na pinagbibidahan nila nina Jodi Sta. Maria, Gabbi Garcia, at Richard Yap.

Related Chika:

Jak ipatatayo na ang ultimate dream house; Barbie may 2 request sa bahay ng dyowa

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ivana Alawi malakas ang loob lumandi sa Europe, nakita na ang ‘future’ asawa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending