Joshua Garcia 'honored' na matawag bilang next John Lloyd Cruz pero... | Bandera

Joshua Garcia ‘honored’ na matawag bilang next John Lloyd Cruz pero…

Therese Arceo |May 25,2023
facebook
share this

Joshua Garcia ‘honored’ na matawag bilang next John Lloyd Cruz pero…

Therese Arceo - May 25, 2023 - 10:21 PM

Joshua Garcia 'honored' na matawag bilang next John Lloyd Cruz pero...
NOON pa mang nagsisimulang umuusbong ang career ni Joshua Garcia ay madalas na siyang naikukumpara noon kay John Lloyd Cruz.

Marami nga ang nagsasabing siya raw ang next JLC ng showbiz bagay na ikinatutuwa ng binata.

Sa kanyang first guesting sa “Fast Talk With Boy Abunda”, natanong nga si Joshua kung ano ang kanyang pakiramdam hinggil sa paghahambing sa kanya sa beteranong aktor.

Kwento ng binata noon raw bago mangyari ang pandemya ay madalas niya ngang marinig ang komentong ito ngubit nang lumaon ay hindi na niya ito masyadong natatanggap.

“I’m honored na matawag na John Lloyd Cruz, nakatulong din siya sa ‘kin sa karera ko na tinatawag nila kong ganun,” pagbabahagi ni Joshua.

Ngunit sa kabila nito ay nais ng binata na gumawa ng sarili niyang pangalan na hindi ikinukumpara o hindi sumusunod sa yapak ng iba.

Baka Bet Mo: Joshua Garcia certified ‘higop king’, Jodi Sta. Maria hindi nakaligtas

“Pero syempre gusto ko ring i-prove na may sarili ako,” giit ng Kapamilya actor.

Paglilinaw naman ni Joshua, noong mga panahong naikukumpara siya kay John Lloyd ay massya siya lalo na’t isa ito sa mga magagaling at tinitingalang artista sa industriya.

“Sobrang flattering na parang gusto ko na lang maglaho na parang bula,” natatawang sambit ng binata.

Chika pa ni Joshua, never raw nilang napag-usapang ni Lloydie ang pagkukumpara sa kanila ng mga tao.

“Everytime na magkikita kami, kumustahan lang. I think ang last namin na nagkasama kami, sa Bacolod ‘yun, mall show. Nandoon si Bea, nandoon si Julia, apat kami. Kumakanta lang kami… inuman,” kwento pa niya.

Related Chika:
#MayPila: Barbie Forteza ‘willing to wait’ matupad lang ang wish na makatrabaho si Joshua Garcia

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Joshua Garcia matapos i-unfollow ni Bella Racelis sa Instagram: I think OK kami

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending