Joshua Garcia matapos i-unfollow ni Bella Racelis sa Instagram: I think OK kami | Bandera

Joshua Garcia matapos i-unfollow ni Bella Racelis sa Instagram: I think OK kami

Pauline del Rosario |April 14,2023
facebook
share this

Joshua Garcia matapos i-unfollow ni Bella Racelis sa Instagram: I think OK kami

Pauline del Rosario - April 14, 2023 - 10:20 AM

Joshua Garcia matapos i-unfollow ni Bella Racelis sa Instagram: I think OK kami

PARA sa actor na si Joshua Garcia, nananatili pa rin silang magkaibigan ng social media influencer na si Bella Racelis.

Ito ang naging pahayag ng aktor matapos siyang tanungin ng ilang reporters sa isang event.

Inamin ni Joshua na nakarating sa kanya ang “breakup rumors” sa pagitan nila ni Bella.

Saad pa niya, “I can’t comment on that. But I think we’re good, I think OK kami.”

Magugunitang kamakailan lang ay naging usap-usapan sa social media ang kung ano ang nangyari sa dalawa.

Marami kasi ang nakapansin na tila in-unfollow na ni Bella si Joshua matapos nilang i-search ang username ng aktor sa following ng dalaga sa Instagram.

Pero nananatili namang naka-follow si Joshua sa dalaga.

Baka Bet Mo: Julia Barretto sa chikang may ‘something’ kina Joshua Garcia at Bella Racelis: Kung saan ang happiness, doon tayo

Sa kabila ng pagkakaugnay kay Bella, nilinaw ng aktor na siya ay “single.”

“‘Yun nga e. Parang lahat na lang nali-link sa akin. Parang bawal ako magkaroon ng kaibigang babae. Marami naman akong friends [sa showbiz industry],” sey ni Joshua.

Bukod diyan ay sinabi rin ng “Darna” actor na hindi na siya naaapektuhan sa mga tsismis patungkol sa kanyang personal na buhay.

“Nasa sa iyo kung magpapa-apekto ka ba or hindi. Nine years na rin ako sa [showbiz] industry,” sambit ni Joshua.

Dagdag pa niya, “At first, naaapektuhan ako sa mga ganyan. Palagi akong nagbabasa ng tweets, mga comments. Pero ngayon, hindi na eh. Ngayon, focus sa goals.”

Matatandaang noong August 2022 nang unang lumabas ang chika na may “something” sa pagitan nina Joshua at Bella matapos ma-ispatan ang aktor na aktibo sa pag-like at pag-comment sa mga posts ng socmed influencer.

Matapos ang dalawang buwan ay nakita naman ang dalawa na magkasamang naglalakad habang tila magka-holding hands.

Bagamat inamin ni Joshua noong Nobyembre na nananatili siyang single, marami namang ang nakapansin na tila magkasama silang nagbakasyon noong Disyembre sa Japan kasama ang pamilya ni Bella.

Noong Pebrero lang nang ibandera ng aktor ang kanilang matching bracelets nang batiin niya ang dalaga sa kaarawan nito.

Related Chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

‘HHWW’ photo nina Joshua Garcia at Bella Racelis viral na, girlfriend reveal na nga ba ang drama?

#MayNanaloNa: Dyowa na nga ba ni Joshua Garcia ang vlogger na si Bella Racelis?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending