Julia Barretto sa chikang may 'something' kina Joshua Garcia at Bella Racelis: Kung saan ang happiness, doon tayo | Bandera

Julia Barretto sa chikang may ‘something’ kina Joshua Garcia at Bella Racelis: Kung saan ang happiness, doon tayo

Therese Arceo |September 09,2022
facebook
share this

Julia Barretto sa chikang may ‘something’ kina Joshua Garcia at Bella Racelis: Kung saan ang happiness, doon tayo

Therese Arceo - September 09, 2022 - 02:54 PM

Julia Barretto sa chikang may 'something' kina Joshua Garcia at Bella Racelis: Kung saan ang happiness, doon tayo
NAG-REACT ang actress-vlogger na si Julia Barretto patungkol sa napapabalitang pagkakamabutihan ng kanyang ex-boyfriend na si Joshua Garcia at vlogger na si Bella Racelis.

Nitong Huwebes, September 8, nag-guest player ang dalaga sa isang segment na “Maritest” ng noontime show na “Lunch Out Loud”.

Isa nga sa mga naitanong kay Julia ay patungkol sa sikat na aktor na nali-link sa YouTube vlogger na si Bella na madalas mag-like ng mga posts ni girl.

Isa sa mga pagpipilian ay ang kanyang ex-dyowa na si Joshua kasama sina Donny Pangilinan, Alden Richards, at Diego Loyzaga.

Sa una nga ay hindi pa sigurado si Julia kung sino sa apat ang kanyang isasagot ngunit sa huli ay pinili niya ang dating karelasyon.

Nang kumpirmahin nga ni Matteo na siyang segment host ng “Maritest” ay ipinakita sa screen ang viral photo ng dalawa na magkasama sa isang party sa Bonifacio Global City, Taguig.

Tanong pa ng asawa ni Sarah Geronimo, “Approve ka ba sa kanila?”

“Sobrang Marites mo, Matty. Approved… approved, kung saan ang happiness, doon tayo,” sagot naman ni Julia.

Dagdag pa niya, “Oh, that’s nice, that’s nice. Good for the both of them. “That’s good. That’s good. Masaya tayo.”

Nilinaw naman ni Julia na hindi siya sensitive kapag nababanggit o napag-uusapan si Joshua dahil nasabi ni Matteo na tila “malagkit at sensitive” daw ang dalaga pag nababanggit ang datin dyowa.

“Hindi ako sensitive, Matty. Iko-correct ko lang, ha… E, kasi siyempre dapat pag past na, ile-let go mo na ‘yan,” sey niya.

Dagdag pa ni Julia, “Dapat walang bitterness, at saka dapat magkakaibigan lang. Kung saan siya masaya, doon tayo masaya.”

Samantala, wala pa namang kumpirmasyon kung totoo nga ba ang chikang si Bella na ang nagpapatibok ng puso ni Joshua.

Matatandaang marami ang na-curious nang ibandera ng Kapamilya actor ang vlogger sa pamamagitan ng reels kanyang isa pang Instagram account.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by JG IMAHE (@jeg.imahe)

Lahat nga ay nag-aabang sa magiging announcement niya ngayong araw at kung masasagot na nga ba ang katanungan ng taumbayan kung sila na nga ba ng YouTube vlogger.

Related Chika:
#MayNanaloNa: Dyowa na nga ba ni Joshua Garcia ang vlogger na si Bella Racelis?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Julia Barretto kay Joshua Garcia: Huwag ka munang maggi-girlfriend

‘Expensive Candy’ ni Julia Barretto ikinukumpara sa ‘Pretty Woman’ ni Julia Roberts; aprub sa ina ang pagganap bilang sex worker

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending