‘Expensive Candy’ ni Julia Barretto ikinukumpara sa ‘Pretty Woman’ ni Julia Roberts; aprub sa ina ang pagganap bilang sex worker
IKINUKUMPARA sa classic Hollywood movie na “Pretty Woman” nina Julia Roberts at Richard Gere ang bagong pelikula nina Julia Barretto at Carlo Aquino.
Ang tinutukoy namin ay ang “Expensive Candy” ng Viva Films mula sa direksyon ni Jason Paul Laxamana na ipalalabas na sa sinehan simula sa darating na September 14.
Ayon kay Julia, ang “Expensive Candy” na ang pinakamatapang, pinakapalaban at pinaka-daring na pelikulang nagawa niya sa buong history ng kanyang showbiz career.
May pagkakahawig nga raw ang “Expensive Candy” sa 1990 blockbuster romantic comedy film nina Julia Roberts at Richard Gere na “Pretty Woman.
Sey ni Julia, “Yung Pretty Woman, it’s more than just… ano rin yung hiningi kay Julia Roberts. It’s also the love story that napanood natin so I always wanted to tackle a story na talagang isinu-showcase yung romance in that angle.
View this post on Instagram
“I feel like kapag mina-manifest mo talaga yung isang bagay, ibibigay sa ‘yo ng Diyos so parang na-attract ko siya,” sabi ng aktres.
Kuwento pa ng dalaga, may blessing daw ng kanyang nanay na si Marjorie Barretto ang pagganap niya bilang sexy dancer at sex worker sa “Expensive Candy.
Nagustuhan daw kasi ni Marjorie ang “Between Maybes” na pinagbidahan ni Julia kasama ang boyfriend na si Gerald Anderson na ipinalabas noong 2019 na isinulat at idinirek din ni Jason Paul Laxamana.
Ikinuwento rin daw ni Julia ang tema at konsepto ng “Expensive Candy” kay Marjorie, “Nag-usap kami and she gave me the go signal.
“Actually, everybody was really excited from the very beginning and, like I said, they really loved Between Maybes at yung naging collaboration namin ni Direk JP.
“In fact, they’re all gonna be in the premiere night. Sila ang unang manonood,” sey pa ni Julia sa naganap na presscon ng “Expensive Candy” noong Huwebes, August 31.
Ito ang ikalawang pelikula ng Viva Films na ipalalabas sa mga sinehan ngayong panahon ng pandemya kaya naman naitanong kay Direk Jason Paul kung may pressure bang matapatan ng “Expensive Candy” ang milyones na kinita ng “Maid In Malacañang” na idinirek ng controversyal director na si Darryl Yap.
Sagot ni Jason Paul, “Walang pressure matapatan ang gross ng Maid in Malacañang because ang Maid in Malacañang ay parang very timely, kakatapos lang ng eleksyon.
“Ako, I’m just happy na we are contributing du’n sa gustong mangyari ng lahat na bumalik na ang mga tao sa sinehan. So, ’di ako nag-i-expect na maging blockbuster, pero gusto kong maging parte ng movement na ‘tara, balik tayo sa sinehan,’” aniya pa.
Ang “Maid In Malacañang” ang unang project ng Viva Films na ipinalabas sa mga sinehan noong August 3 na talaga namang tumabo sa takilya.
Samantala, binigyan naman ng “R-13” classification ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang naturang pelikula.
https://bandera.inquirer.net/322638/julia-ayaw-nang-ipangalandakan-ang-relasyon-kay-gerald-ive-learned-to-be-protective-of-my-personal-life
https://bandera.inquirer.net/322279/julia-mas-tumaas-ang-respeto-sa-mga-sex-worker-dahil-sa-expensive-candy-iba-pala-yung-sexy-ka-sa-nang-aakit-ka
https://bandera.inquirer.net/294027/lea-pasok-sa-bagong-cast-ng-pretty-little-liars-original-sin
https://bandera.inquirer.net/322565/hugot-ni-carlo-dapat-ang-love-hindi-judgmental-kung-mahal-mo-talaga-ang-isang-tao-ipaglaban-mo
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.