Julia Barretto kay Joshua Garcia: Huwag ka munang maggi-girlfriend | Bandera

Julia Barretto kay Joshua Garcia: Huwag ka munang maggi-girlfriend

Therese Arceo |May 20,2022
facebook
share this

Julia Barretto kay Joshua Garcia: Huwag ka munang maggi-girlfriend

Therese Arceo - May 20, 2022 - 09:43 AM

Julia Barretto kay Joshua Garcia: Huwag ka munang maggi-girlfriend

IN good terms naman pala ang ex-lovers na sina Julia Barretto at Joshua Garcia kahit na naging laman ng usap-usapan ang kanilang paghihiwalay.

Pag-amin ng aktres nang makapanayam siya ni Tito Boy sa YouTube channel ng huli nitong Miyerkules, May 18 ay patuloy pa rin ang kanilang komunikasyon at sa katunayan ay nakatakda silang gumawa ng pelikula ngayong taon.

“I want to do films [this year]. I am going to be doing a movie also with Josh under Black Sheep this year,” lahad ni Julia.

Chika pa niya, palagi raw niyang tinatanong ang kanyang ex-dyowang si Joshua kung may nagpapatibok na bang muli ng kanyang puso.

“Ako tinatanong ko, ‘How are you? May girlfriend ka na ba? Huwag ka munang mag-girlfriend,’” pagkukwento ni Julia.

Dito ay ipinaliwanag ng dalaga kung bakit ayaw niya pang magkaroon ng karelasyon ang dating kasintahan.

“Sabi niya sa akin, ‘Bakit ba ayaw mo akong magka-girlfriend?’ Sabi ko, ‘Basta huwag ka munang mag-girlfriend. Enjoy this. Enjoy what you have now.’ He’s young. He’s in his prime. He’s a brilliant actor. It’s not the time to be limited right now,” dagdag pa ni Julia.

Iginiit ng aktres na sana talaga ay i-enjoy muna ni Joshua ang kanyang oras lalo na at nasa kasagsagan ngayon ang karera ng binata.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Moira (@moiradelatorre)

 

Aminado rin si Julia na labis niyang na-a-appreciate ang kanyang dating dyowa.

“I think one of the things that I really appreciate about him is he respects Ge a lot. That says a lot about Josh as well and how much he’s grown and matured. He respects Ge, and that means a lot to me,” sey niya.

Taong 2016 nang simulang magtambal sa pelikulang “Vince, Kath, & James” sina Julia at Joshua. Matapos nito ay nasundan pa ang kanilang pagtatambal sa pelikula.

2017 naman nang aminin ng dalawa ang kanilang relasyon na tumagal hanggang 2019.

Sa kabila ng paghihiwalay ay nananatiling magkaibigan ang dalawa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Janella Salvador, Julia Barretto muling nagkita, friends na kaya ulit?

Relasyong Julia-Gerald lantad na; may suot na love bracelet

Julia Barretto kayod nang kayod, nag-iipon na para sa mga magiging anak

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending