Janella Salvador, Julia Barretto muling nagkita, friends na kaya ulit? | Bandera

Janella Salvador, Julia Barretto muling nagkita, friends na kaya ulit?

Therese Arceo |April 23,2022
facebook
share this

Janella Salvador, Julia Barretto muling nagkita, friends na kaya ulit?

Therese Arceo - April 23, 2022 - 04:38 PM

Janella Salvador, Julia Barretto muling nagkita, friends na kaya ulit?

Julia Baretto, Gabbi Garcia, Janella Salvador, and Ria Atayde. Photo from Instagram | @niceprintphoto

MULING nag-krus ang landas ng dating magkaibigang sina Julia Barretto at Janella Salvador sa kasal nina Patrick Sugui at Aeriel Garcia noong April 21 sa Nasugbu, Batangas.

Parehas na parte ng mga bridesmaids ang dalawa kasama sina Gabbi Garcia, Ria Atayde, at Bianca Yanga.

Matatandaang inamin ni Janella sa isang vlog kasama ang kambal na sina Joj at Jai Agpangan noong September 2021 na hindi na sila nag-uusap.

“Honestly, hindi na kami nag-uusap ngayon. There was an issue before na hindi ko na sasabihin, alam n’yo na ‘yun,” pagbabahagi ng ina ni Baby Jude sa naturang vlog.

Bagamat hindi na in-elaborate ni Janella kung ano ito ay marami namang netizens ang naghinala na baka may kaugnayan ito kay Joshua Garcia na ka-love team niya noong 2019 sa teleseryeng “The Killer Bride”, panahong magkarelasyon pa ang aktor at si Julia.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Aeriel Garcia – Sugui (@aeriel)

January 2020 rin nang kumalat ang balitang in-unfollow ng dalaga ang kaibigan sa Instagram.

Ngunit nilinaw naman ni Janella na sinubukan ulit ni Julia ang mag-reconnect sa kanya nang malaman nitong ipinagbubuntis na niya si Baby Jude.

“Nag-reach out siya noong nalaman niya na buntis ako. Sinendan niya ako ng balloons, tapos nag-thank you ako,” kwento niya.

Pero hindi na raw nag-progress ang kanilang pagkakaibigan matapos ang pag-reach out ni Julia.

Dagdag ni Janella, “Pero open naman ano in the future, if ever we cross paths again. Why not? But right now, hindi pa kami nag-uusap.”

Parehas na produkto ng Star Magic ang dalawang aktres.

Taong 2013 nang i-launch ang dalawa kasama ang isa pa nilang kaibigang si Liza Soberano.

Sa ngayon ay wala pa namang pahayag sina Julia Barretto at si Janella Salvador ukol sa kanilang muling pagkikita.

 

 

Related Chika:
Janella sa naintrigang friendship nila ni Julia: Hindi na kami nag-uusap ngayon…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Patrick Sugui, Aeriel Garcia ikinasal na, KathNiel hindi nakapunta?

Janella na-in love sa backstory ni Valentina: Sabi ko talaga, kailangan ko itong makuha!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending