Bella Racelis in-unfollow si Joshua Garcia sa Instagram, anyare? | Bandera

Bella Racelis in-unfollow si Joshua Garcia sa Instagram, anyare?

Therese Arceo |April 11,2023
facebook
share this

Bella Racelis in-unfollow si Joshua Garcia sa Instagram, anyare?

Therese Arceo - April 11, 2023 - 03:05 PM

Bella Racelis in-unfollow si Joshua Garcia sa Instagram, anyare?

USAP-USAPAN ngayon ng madlang pipol kung anong nangyari sa pagitan ng Kapamilya actor na si Joshua Garcia at social media influencer na si Bella Racelis?

Bagamat wala pang diretsang pag-amin ang dalawa kung ano nga ba ang namamagitan sa kanila ay mukhang magtatapos na ang istorya ng dalawang sikat na personalidad.

Marami kasi ang nakapansin na tila in-unfollow na ni Bella si Joshua matapos nilang i-search ang username ng aktor sa following ng dalaga sa Instagram.

Sa kabila nito ay nananatili namang naka-follow si Joshua sa dalaga.

Agad ngang kumalat sa social media ang mga screenshots o resibo ng pag-unfollow ni Bella sa binata.

Umani naman ng samu’t saring reaksyon mula sa netizens ang naganap sa dalawa.

“Tama yan bella, iunfollow mo si joshua. pila na po ulit,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “Promo for upcoming serye. Para namang di kayo sanay. Lol.”

Baka Bet Mo: ‘HHWW’ photo nina Joshua Garcia at Bella Racelis viral na, girlfriend reveal na nga ba ang drama?

Chika pa ng isa, “Ito ang bad news pero good news. Tuloy ang pila este buhay.”

“Hindi na siguro kinaya ni Bella ang paghigop ni Joshua,” hirit naman ng isa.

Matatandaang noong August 2022 nang unang lumabas ang chika na may “something” sa pagitan ng dalawa.

Ito ay matapos ma-ispatan si Joshua na aktibo sa pag-like at pag-comment sa mga posts ni Bella.

Matapos ang dalawang buwan ay nakita naman ang dalawa na magkasamang naglalakad habang tila magka-holding hands.

Bagamat inamin ni Joshua noong Nobyembre na nananatili siyang single, marami namang ang nakapansin na tila magkasama silang nagbakasyon noong Disyembre sa Japan kasama ang pamilya ni Bella.

Noong Pebrero lang nang ibandera ng aktor ang kanilang matching bracelets nang batiin niya ang dalaga sa kaarawan nito.

Wala pa namang pahayag sina Bella at Joshua hinggil sa isyung ito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Julia Barretto sa chikang may ‘something’ kina Joshua Garcia at Bella Racelis: Kung saan ang happiness, doon tayo

Bella Racelis may lowkey birthday greeting sa rumored dyowa na si Joshua Garcia

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending