Bella Racelis may lowkey birthday greeting sa rumored dyowa na si Joshua Garcia | Bandera

Bella Racelis may lowkey birthday greeting sa rumored dyowa na si Joshua Garcia

Therese Arceo |October 07,2022
facebook
share this

Bella Racelis may lowkey birthday greeting sa rumored dyowa na si Joshua Garcia

Therese Arceo - October 07, 2022 - 08:09 PM

Bella Racelis may lowkey birthday greeting sa rumored dyowa na si Joshua Garcia
ITO na nga ba ang sign para mag-move on ang lahat kay Joshua Garcia dahil tinapos na ni Bella Racelis ang laban?

Ngayong araw, Oktubre 7 ay ang kaarawan ng Kapamilya actor na si Joshua Garcia na ngayon ay 25 years old na.

At tulad nga ng inaabangan ng madlang pipol, nag-post ang YouTube vlogger at social media influencer na si Bella Racelis ng kanyang birthday greeting para sa actor.

Ibinahagi ng dalaga sa kanyang Instagram stories ang dalawang larawan ni Joshua at isang short video na may hawak na maliit na white card.

Sa unang larawang ibinahagi ni Bella ay makikita ang binata na nakangiti habang may hawak ng kamera, ang sumunod ay ang short video nito, at ang huli ay ang candid photo kung saan kitang kita ang ngiti sa labi ng aktor.

“Happy Birthday, @garciajoshuae [fish emoji],” maikling pagbati ng dalaga.

Ilang buwan na rin ang nakalilipas buhat nang lumabas ang chika patungkol sa relasyon nina Bella at Joshua.

Unang umugong ang balitang may “something” sa pagitan nilang dalawa matapos silang maispatan na magkasama sa isang party sa Bonifacio Global City sa Taguig.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by JG IMAHE (@jeg.imahe)

Dito na nga naging mas mapagmatiyag ang mga marites sa galaw ng dalawa at napansin nga ng mga ito ang madalas na pag-like at pag-comment nina Bella at Joshua sa mga social media posts ng isa’t isa.

Mas lalo ngang tumindi ang hinala ng mga netizens matapos i-flex ng aktor ang dalaga sa kanyang isa pang Instagram account.

At kamakailan nga lang nang kumalat ang larawan nina Joshua at Bella na magka-holding hands habang naglalakad sa isang mall.

Sa ngayon ay nananatiling tahimik ang dalawa ukol sa estado ng kanilang relasyon.

Related Chika:
‘HHWW’ photo nina Joshua Garcia at Bella Racelis viral na, girlfriend reveal na nga ba ang drama?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

#MayNanaloNa: Dyowa na nga ba ni Joshua Garcia ang vlogger na si Bella Racelis?

Julia Barretto sa chikang may ‘something’ kina Joshua Garcia at Bella Racelis: Kung saan ang happiness, doon tayo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending