'HHWW' photo nina Joshua Garcia at Bella Racelis viral na, girlfriend reveal na nga ba ang drama? | Bandera

‘HHWW’ photo nina Joshua Garcia at Bella Racelis viral na, girlfriend reveal na nga ba ang drama?

Ervin Santiago |October 03,2022
facebook
share this

‘HHWW’ photo nina Joshua Garcia at Bella Racelis viral na, girlfriend reveal na nga ba ang drama?

Ervin Santiago - October 03, 2022 - 12:44 PM

'HHWW' photo nina Joshua Garcia at Bella Racelis viral na, girlfriend reveal na nga ba ang drama?

Bella Racelis at Joshua Garcia

“GIRLFRIEND reveal” na nga ba ang pagrampa ni Joshua Garcia sa isang sosyal na shopping mall kasama ang rumored dyowa niyang si Bella Racelis?

Trending at viral na ngayon ang isang litrato na kuha ng isang netizen kung saan makikita ang isang lalaki at babae na parehong naka-face mask na puti at nakasuot ng shades.

Naglalakad ang mga ito sa isang mall with matching holding-hands-while-walking (HHWW). Halos lahat ng nakakita ng nasabing photo na in-upload kahapon, October 2, ay nagsabing sina Joshua at Bella nga ang mga ito.

View this post on Instagram

A post shared by BELLA RACELIS (@thatsbellayt)


Komento ng may-ari ng litrato, mukhang si Bella Racelis na raw ang “tumapos sa pila” ng mga humahanga at nagpapantasya sa Kapamilya actor na napapanood ngayon sa “Darna” series ng ABS-CBN.

Ang caption ng netizen sa kanyang Twitter post, “Joshua garcia and bella racelis holding hands in public???!!!! love it.”

View this post on Instagram

A post shared by Joshua Garcia (@garciajoshuae)


Nagsimulang mag-speculate ang mga netizens na may namamagitan nang something sa dalawa dahil napapadalas na ang pagla-like at pagko-comment ni Joshua sa mga Instagram posts ni Bella na isang content creator na may 1.23 million subscribers sa YouTube.

Mas lalo pang umingay ang pagli-link sa kanila nang itampok ni Joshua sa kanyang photography Instagram account ang mga litrato at video ni Bella na siya mismo ang kumuha.

Ang huling naging karelasyon ni Joshua ay si Julia Barretto na girlfriend na ngayon ni Gerald Anderson. Hanggang ngayon ay wala pang inaamin o dinedenay sina Joshua at Bella hinggil sa kanilang status.

#MayNanaloNa: Dyowa na nga ba ni Joshua Garcia ang vlogger na si Bella Racelis?

Joshua Garcia sa posibilidad na maging crush si Bella Poarch: Why not?

Julia Barretto sa chikang may ‘something’ kina Joshua Garcia at Bella Racelis: Kung saan ang happiness, doon tayo

Kyle Echarri humingi ng dasal para sa kapatid: I love this girl 10x more than I love myself

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending