Joshua Garcia may nakakalokang ginawa matapos ma-brokenhearted, hindi naligo ng dalawang araw | Bandera

Joshua Garcia may nakakalokang ginawa matapos ma-brokenhearted, hindi naligo ng dalawang araw

Therese Arceo |May 26,2023
facebook
share this

Joshua Garcia may nakakalokang ginawa matapos ma-brokenhearted, hindi naligo ng dalawang araw

Therese Arceo - May 26, 2023 - 10:03 AM

Joshua Garcia may nakakalokang ginawa matapos ma-brokenhearted, hindi naligo ng dalawang araw

MAY nakakalokang rebelasyon ang Kapamilya actor na si Joshua Garcia tungkol sa kanyang ginawa matapos ang kanyang naging recent heart break.

Sa naganap na media conference para sa kanilang pinakabagong teleserye na “Unbreak My Heart” ay natanong ang binata kung ano ba ang craziest thing na ginawa niya sa pag-ibig.

Saglit na nag-isip si Joshua at napatawa bigla habang inaalala ang kanyang mga ginawa noon.

“Base sa natatandaan ko… nag-pandemic kasi noon eh so ‘yung time na ‘yun, craziest thing is ‘yung feeling ko inaabot ako ng dalawang araw sa computer nang walang liguan. Crazy ‘yun di ba? Walang tayuan,” pagbabahagi ng binata.

Wala namang binanggit si Joshua kung sinong karelasyon niya ng mga panahong ito pero kung babalikan ay June 2019 nang ianunsyo nila ni Julia Barretto ang kanilang paghihiwalay samantalang March 2020 naman nang magsimula ang COVID-19 pandemic.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Joshua Garcia (@garciajoshuae)

Baka Bet Mo: Joshua Garcia puring-puri ng volleyball player na si Aby Maraño: ‘Napakabait niya!’

“Pero ‘di ba, may mga ganoon talaga ang mga tao just to cope doon sa nararamdaman nila,” pagpapatuloy pa niya.

Bukod sa hindi pagligo ay talagang nagbabas nga siya sa paglalaro ng computer games upang ma-divert ang kaniyang nararamdaman sa ibang bagay.

Kuwento pa ni Joshua, “And ‘yung computer nakatulong sa akin. It’s an escape to me… Naging escape siya doon sa nararamdaman ko.

“Noong nagsawa ako sa computer, mas doon ko naramdaman lahat. Doon ko nai-process lahat.”

Lately ay na-link si Joshua sa vlogger at content creator na si Bella Racelis ngunit matapos ang ilang buwan na walang pag-amin ay tila natapos ang “something” sa dalawa nang i-unfollow ng dalaga ang aktor.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa ngayon ay abala si Joshua sa pagpo-promote ng “Unbreak My Heart”, isa sa mga malaking proyekto na pinagsamahan ng ABS-CBN, GMA, at Viu na pinagbibidahan nila nina Jodi Sta. Maria, Gabbi Garcia, at Richard Yap.

Related Chika:
Joshua Garcia ‘super daks’ daw, ani Ogie: Hindi siya conscious, proud siya!

Joshua Garcia certified ‘higop king’, Jodi Sta. Maria hindi nakaligtas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending