Joshua bet na bet ang OOTD ni Barbie sa GMA Gala 2023, pang-'best dressed' award: 'Hindi siya ganu'n ka-flashy pero nandu'n yung pagka-elegante' | Bandera

Joshua bet na bet ang OOTD ni Barbie sa GMA Gala 2023, pang-‘best dressed’ award: ‘Hindi siya ganu’n ka-flashy pero nandu’n yung pagka-elegante’

Ervin Santiago |July 24,2023
facebook
share this

Joshua bet na bet ang OOTD ni Barbie sa GMA Gala 2023, pang-‘best dressed’ award: ‘Hindi siya ganu’n ka-flashy pero nandu’n yung pagka-elegante’

Ervin Santiago - July 24, 2023 - 11:27 AM

Joshua bet na bet ang OOTD ni Barbie sa GMA Gala 2023, pang-'best dressed' award: 'Hindi siya ganu'n ka-flashy pero nandu'n yung pagka-elegante'

Barbie Forteza at Joshua Garcia

MARAMING kinilig nang magkita at magbeso sina Joshua Garcia at Barbie Forteza sa ginanap na GMA Gala 2023 last Saturday, July 22, sa Manila Marriott Hotel, Pasay City.

Magkasunod kasing rumampa sa red carpet ng naturang GMA event sina Barbie at Joshua kaya naman nagkaroon sila ng chance na magkakilala nang personal at magkabatian kahit ilang sandali lamang.

Solong naglakad sa red carpet si Barbie suot ang kanyang mint green gown na gawa ng fashion designer na si Ehrran Montoya.

Nagdesisyon sila ng boyfriend niyang si Jak Roberto na rumampa nang magkahiwalay sa red carpet ng GMA Gala this year upang magkaroon ng sari-sarili nilang moment.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Pati ang ka-loveteam ni Barbie na si David Licauco ay solo rin naglakad papasok sa venue bonggang Kapuso event. Kaya naman walang masyadong violent reactions ang JakBie fans pati na rin ang followers ng BarDa.

Going back to Joshua, diretsahang sinabi ng aktor na si Barbie ang “best dressed” female star sa GMA Gala para sa kanya.

Baka Bet Mo: Kapuso stars kanya-kanyang paandar at pakilig sa GMA Gala Night 2023 proposal; Paul sinorpresa si Mikee, dyowa ni Klea nag-‘yes’ agad

Nasa unahan daw kasi niya si Barbie nang lumakad siya sa red carpet kaya medyo tumatak sa kanya ang OOTD at agaw-eksenang look ng dalaga.

Tanong ng GMA News sa aktor, sino para sa kanya ang deserving na tawaging Best Dressed sa event, si Barbie nga ang binanggit niya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Siya yung nasa harapan ko kanina, sabi ko, ‘Ang ganda ng dress nito.’ Hindi siya ganu’n ka-flashy pero at the same time, nandun yung pagka-elegante nu’ng babae,” aniya pa.

Kasunod nga nito, ay nagkakuwentuhan din sina Barbie at Joshua nang ilang minuto matapos magbeso. Sey pa ni Barbie sa binata, “Thank you for coming.”

Matatandaang nasabi ni Barbie sa isang panayam na gusto niyang makasama sa susunod niyang projects si Joshua in the future.

“Gusto ko pong makatrabaho si Joshua Garcia. Napanood ko po siya sa Vince and Kath and James (ipinalabas noong 2016). Pinanood ko po yun sa sinehan. Magaling,” sey ni Barbie sa panayam ng broadcast journalist na si Karen Davila na mapapanood sa kanyang YouTube vlog.

‘It’s Showtime’ na-excite sa kanilang unang GMA Gala 2023, sey ni Vhong: Iba pala ang experience!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Barbie Forteza, Jak Roberto, David Licauco solong rumampa sa GMA Gala 2023

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending