Joshua Garcia bagong 'gym buddy' ni Emilienne Vigier, may pa-soft launch sa Instagram? | Bandera

Joshua Garcia bagong ‘gym buddy’ ni Emilienne Vigier, may pa-soft launch sa Instagram?

Therese Arceo |August 25,2023
facebook
share this

Joshua Garcia bagong ‘gym buddy’ ni Emilienne Vigier, may pa-soft launch sa Instagram?

Therese Arceo - August 25, 2023 - 04:00 PM

Joshua Garcia bagong 'gym buddy' ni Emilienne Vigier, may pa-soft launch sa Instagram?
USAP-USAPAN ngayon kung ano nga ba talaga ang namamagitan kina Joshua Garcia at sa French-Filipino athlete na si Emilienne Vigier.

Sa kabila kasi ng mga naglalabasang balita at larawan sa social media ay nanatiling walang pahayag ang dalawa ukol sa kanilang relasyon.

At nitong Miyerkules, August 23, mukhang may pa-soft launch ang dalaga sa kanyang Instagram stories kung saan kahit hindi kita ang mukha ng lalaki ay malalaman mong si Joshua agad ito.

Ang naturang larawan na ibinahagi ni Emilienne ay tila kuha sa isang gym at may kasama siyang lalaki.

Walang text sa naturang IG story pero mababanaag mo na si Joshua ito lalo na sa tindig ng katawan.

Patuloy nga ang pag-iisip ng mga netizens kung may “something” sa dalawa dahil may post rin noon ang dalawa na nagtutugma at nagpapatunay na magkasama silang dalawa.

Identical ang mga background ng post nila Joshua at Emilienne kung saan nasa isang kitchen sila at nagluluto ng pork katsu at iba pang pagkain.

Kahit sa IG story ni Emilienne ay makikita ang likod ng Kapamilya actor habang na nagluluto.

Baka Bet Mo: Joshua Garcia ipinagluto si Emilienne Vigier, pila para sa binata tinapos na nga ba?

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

May mga IG stories rin ang dalaga kung saan may lalaking nakayakap sa kanya sa loob ng elevator.

Hindi naman makilala kung si Joshua ang lalaki dahil tinakpan ang mukha nito.

Pero matindi ang paniniwala ng netizens na ang Kapamilya actor ito dahil nahuli na rin ang dalawa na magkasama palabas ng coffee shop at sumakay sa iisang sasakyan.

Bukod pa rito, isang cleaning services company ang nag-post ng larawan kasama sina Joshua at Emilienne kung saan nagpsalamat ang mga ito sa pag-avail ng kanilang cleaning services.

Mukha namang nalalapit na rin ang pag-amin ng dalawa sa real score sa pagitan nila lalo na’t mas napapadalas ang pasimpleng pag-flex nila sa isa’t isa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Kaladkaren game na game ‘makipaghigupan’ kay Joshua Garcia: ‘Laban kung laban!’

Joshua Garcia matapos i-unfollow ni Bella Racelis sa Instagram: I think OK kami

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending