Moira naibigay na ang ‘PasaBuy’ na danggit sa Qatar, sey ng fan: ‘Super saya dahil ang tagal ko nang ‘di nakauwi ng Pinas’ | Bandera

Moira naibigay na ang ‘PasaBuy’ na danggit sa Qatar, sey ng fan: ‘Super saya dahil ang tagal ko nang ‘di nakauwi ng Pinas’

Pauline del Rosario |February 12,2023
facebook
share this

Moira naibigay na ang ‘PasaBuy’ na danggit sa Qatar, sey ng fan: ‘Super saya dahil ang tagal ko nang ‘di nakauwi ng Pinas’

Pauline del Rosario - February 12, 2023 - 04:40 PM

Moira naibigay na ang ‘PasaBuy’ na danggit sa Qatar, sey ng fan: ‘Super saya dahil ang tagal ko nang ‘di nakauwi ng Pinas’

VIRAL sa social media ang good vibes video ng isang netizen habang nasa concert ng OPM singer na si Moira Dela Torre sa Qatar.

Makikita kasi sa video ang pagtatagpo ng singer at ng isang fan na nag-”pasabuy” ng Danggit.

Kung maaalala, noong Enero ay nag-viral ang comment ng netizen na kinilalang si Christian Baysa, isang freelance Chef sa Middle East at nagpapadala siya ng paborito niyang pagkain mula sa Pilipinas.

Comment pa nga niya gamit ang isang Facebook page, “Manonood po ako ng concert mo sa Qatar. Pwede pasabay po ng danggit? Bayaran ko dito.”

Nag-reply naman diyan si Moi at sinabing, “hanep.”

At heto nga, talagang binitbit ng sikat na OPM singer ang request ni Christian at sa concert stage mismo sila nagkita.

Caption pa ng netizen na nag-post ng viral video, “So ayun na nga.. may dala ngang danggit si ate mo Moira Dela Torre [laughing emoji] haha.”

Sa umpisa ng video, mapapanood na hinanap pa talaga ng singer si Christian at sabay biro na, “Kuya Boy magpakita ka na. Nag-amoy danggit lahat ng damit ko dahil sayo tapos hindi ko pa po kayo makita.”

Ilang minuto pa nga lang ay sumulpot na sa harap ng stage ang fan at lubos ang kanyang pasasalamat sa singer.

Nakapanayam ng BANDERA mismo si Christian at nakipagkwentuhan kami kung ano ang naging pakiramdam niya na dinalhan siya ng kanyang “pasabuy” ni Moira.

Sabi niya sa amin, “super overwhelmed po.”

Kwento pa niya na hindi niya akalain na mapapansin siya ng singer sa kanyang naging comment noong nakaraang buwan.

Chika niya sa amin, “Random comment lng po siya. Nagkakape lng ako one morning at nag-crave sa danggit.”

“Then while scrolling sa Facebook eh nakita ko nga na may concert si lodi Moi sa Qatar, kaya biniro ko ng pasabuy, tapos nagreply siya…ayun kung saan-saan na nakarating,” patuloy niya.

Paliwanag pa niya, “Super miss ko na kasi ang Danggit. Halos wala kang makita dito sa market ng Qatar. Either ubos or ‘yung super baho version ng ibang bansa. Iba talaga quality at lasa ng galing sa Pinas.”

Nabanggit pa ni Christian sa BANDERA na nagkita pa ulit sila ni Moira pagkatapos ng concert.

Naimbitahan daw siya na mag-dinner kasama ng singer at ng buong team nito.

Sa sobrang tuwa niya ay binigyan niya rin ng regalo si Moira, gaya ng pabango, lotion at iba’t-ibang klaseng pagkain.

“Nung concert di na ako nakalapit sa kanya after. Dami na kasing tao that time. Pero kinabukasan eh nag-posts ako na may ibibigay sana akong kakaunting gift… hindi ko nadala ‘nung concert niya kasi from work rumekta na ako sa concert,” kwento niya.

“Ayun buti nalang na-message ko si Papsi TV at nasabi niyang may dinner sila at na-invite niya ako sa dinner nila ni lodi Moi with the band,” saad niya pa.

Aniya, “Super saya and big respect po sa Moira and team! Ang babait nila at super humble pa. Wala silang keme sa katawan. They let us feel comfortable around them, like friends do.”

Ibinahagi din samin mismo ni Christian na sampung taon na siyang naninirahan sa Qatar kasama ang kanyang misis at dalawang anak.

Originally ay taga-Rizal at Isabela sila at taon-taon ay nakakauwi ng Pilipinas.

Pero dahil daw sa COVID-19 pandemic at striktong protocols mula sa ibang bansa ay mahigit tatlong taon na silang hindi nakakauwi.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related chika:

Moira ‘nagluluksa’ hindi lang dahil sa breakup nila ni Jason: Namatay din bestfriend ko, may cancer ‘yung driver ko, namatay ang tito ko…

Moira dela Torre game na uli ang puso na ma-in love, pero hindi naman daw atat na magkadyowa agad-agad

Moira nagsalita na ukol sa hiwalayan nila ni Jason: While our marriage was not perfect, I have stayed true to my vows

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending