Cassy 'friend zone' kay Darren; type maka-collab si Jillian

Darren may inamin tungkol kay Cassy; type maka-collab si Jillian

Ervin Santiago |April 08,2024
facebook
share this

Darren may inamin tungkol kay Cassy; type maka-collab si Jillian

Ervin Santiago - April 08, 2024 - 12:30 PM

Darren may inamin tungkol kay Cassy; type maka-collab si Jillian

Jillian Ward, Cassy Legaspi at Darren Espanto

NAKUKULITAN na ang Kapamilya actor-singer na si Darren sa mga taong nagpupumilit na may relasyon na sila ni Cassy Legaspi.

Marami kasi ang naniniwala at nagsasabing matagal nang magdyowa sina Cassy at Darren, itinatago lang daw ng mfa ito ang katotohanan para iwas intriga.

Pero sa isang panayam, muling ipinagdiinan ni Darren na wala siyang girlfriend at wala silang relasyon ng Kapuso actress at host na si Cassy.

Baka Bet Mo: Darren: Kami po ni Cassy we are very close, alam namin ang lahat ng tungkol sa isa’t isa…

“Makulit sila! Sabi ko best friends lang kami eh,” ang pahayag ng binata tungkol sa mga naglalabasang chika na dyowa raw niya ang anak nina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi.

Dagdag paglilinaw pa ng singer sa naturang interview, “Best friends talaga. It’s something a lot of people won’t get. Hindi ko alam paano explain pero syempre andun yung pagmamahal namin sa isa’t isa.”

Sa tanong kung posible bang mauwi sa isang seryosong relationship ang friendship nila ni Cassy, “No, not right now naman.”

Samantala, nagulat at natuwa naman si Darren nang maging isa sa top trending topic sa X (dating Twitter) ang pangalan nila ni Jillian Ward nang magkasama sila sa unang pag-ere ng “It’s Showtime” sa GMA 7 last Saturday.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Darren Espanto (@darrenespanto)


“Nagulat din ako trending din pangalan namin ni Jillian. May mga ships na. She’s very chill.

“Nag-uusap na kami, nag-iisip ng collaboration in the future saka kung papayagan kung pwedeng tumawid,” sey ni Darren.

Baka Bet Mo: Tunay na relasyon nina Darren at Cassy ibinandera ni Carmina: I really trust them kaya huwag lang sana nilang sirain…

Tinuksu-tukso sina Jillian at Darren ng mga hosts ng “It’s Showtime” nang magsama sila sa segment ng “KaraoKids” kung saan sila na-hot seat about lovelife.

Pinuri nina Vice Ganda, MC, at Lassy ang beauty ni Jillian na nagsasabing mukha raw siyang doll. Sey pa ni Vice na bagay na bagay daw ang dalawa.

“May boyfriend ka, Jillian?” tanong ni Vice sa Kapuso actress.

“Wala po,” sagot ni Jillian.

“May girlfriend ka ba, Darren?” ang baling na tanong naman ni Vice sa binata.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Wala,” ang mabilis na tugon ni Darren.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending