Darren Espanto ipinakilala bilang regular host ng 'Showtime'

Darren Espanto ipinakilala bilang regular host ng ‘Showtime’, absent agad

Therese Arceo |March 22,2024
facebook
share this

Darren Espanto ipinakilala bilang regular host ng ‘Showtime’, absent agad

Therese Arceo - March 22, 2024 - 11:40 PM

Darren Espanto ipakilala bilang regular host ng 'Showtime', absent agad

Darren Espanto

SOBRANG saya ng Kapamilya singer at actor na si Darren Espanto matapos siyang ipakilala sa madlang pipol bilang regular hist ng “It’s Showtime”.

Kasabay kasi ng historic contract signing ng GMA- 7 at ABS-CBN executives upang maging pormal nang parte ng Kapuso network ang “It’s Showtime” ay inanunsyo na rin ang pagiging regular host ng binata.

Nakapanayam rin ng ABS-CBN News si Darren upang tanungin kung ano ang nararamdaman nito ngayong ganap na talaga siyang bahagi ng show.

“Sobra yung hard launch ko. Dito pa talaga sa GMA Network. So ayun, nakakakilabot.

Baka Bet Mo: Darren Espanto chinika ang natutunang life lesson noong 2023: Learn to let go

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“It’s official, I’m part of the Showtime family na talaga… so wala nang atrasan ito, totoo na siya,” masayang saad ni Darren.

Kung mapapansin ay noong mga nakalipas na buwan ay madalas ang pagiging guest co-host ng binata sa “It’s Showtime”.

Madalas rin siyang bumisita sa noontime show noon bilant isa sa mga hurado sa “Tawag Ng Tanghalan”.

Natanong rin si Darren kung paano siya makikisabay sa mga co-hosts niya gaya nina Vice Ganda, Anne Curtis, Karylle Yuzon, Vhong Navarro, at marami pang iba, sinabi niyang welcoming naman ang mga kasamahan at hinahayaan pang siya sa mga gustong gawin.

“Hindi po nila pinaparamdam sa akin na dapat kinakabahan ako, dapat ganito yung pag-host. They just let me do my thing.

“And even off-cam, parang pamilya lang din, that’s why it was easier for me to be able to connect with them and jive with them,” sey pa ni Darren.

Nitong Huwebes, March 21, nag-tweet ang aktor ukol sa pag-absent niya sa “It’s Showtime” dahil may taping siya para sa teleseryeng “Can’t Buy Me Love”.

“Kaka-hard launch lang today as regular host pero absent agad bukas dahil sa taping. Sorry na,” tweet ni Darren.

Inamin naman niya sa panayam sa ABS-CBN News na inaayos pa raw niya ang schedule lalo na at araw-araw ang “It’s Showtime” at ongoing ang “Can’t Buy Me Love”.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ani Darren, humahabol raw siya sa Tawag ng Tanghalan segment ngunit kapag natapos na ang taping sa “Can’t Buy Me Love”, araw-araw na siyang mapapanood sa noontime program.

Samantala, simula April 6 ay mapapanood na rin ang “It’s Showtime” sa GMA.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending