Darren chinika ang natutunang life lesson noong 2023

Darren chinika ang natutunang life lesson noong 2023: Learn to let go

Pauline del Rosario |January 06,2024
facebook
share this

Darren chinika ang natutunang life lesson noong 2023: Learn to let go

Pauline del Rosario - January 06, 2024 - 10:30 AM

Darren chinika ang natutunang life lesson noong 2023: Learn to let go

PHOTO: Instagram/@darrenespanto

“LEARN to let go.”

‘Yan ang magandang life lesson na ibinahagi ng singer-actor na si Darren Espanto sa kanyang recent guesting.

Sa interview with morning talk show na “Magandang Buhay,” nausisa siya ng batikang aktres na si Jodi Sta. Maria patungkol sa mga natutunan niya sa nakaraang taon.

“Meron ka bang lessons from 2023 na sa palagay mo madadala mo o mabibitbit mo ngayong 2024?” tanong ni Jodi kay Darren.

Sagot naman sa kanya ng singer, “Learn to let go.”

“Kasi may mga bagay na kahit ipilit mo na manatili sa buhay mo –it can be material thing, a person…kailangan matuto ka na if it’s not meant for you, you have to let go,” paliwanag niya.

Ani pa niya, “Siguro hindi ‘yun ‘yung para sa iyo na gustong ibigay ni God. So learn to let go. Just trust in God’s plan.”

Baka Bet Mo: Darren Espanto nagka-‘wardrobe malfunction’ sa Qatar show, netizens naloka

Kasunod niyan, ibinunyag ni Darren na ngayong taon ang ika-10th anniversary niya sa showbiz industry.

Ilan lamang sa mga aabangan ng kanyang fans ay bagong mga kanta, pati album.

Sambit niya, “So sana po abangan niyo ang gagawin ko diyan. And also more singles, hopefully, and album this year din po under Star Music.”

Kung maaalala, noong nakaraang taon lamang nang maging isang tunay na Kapamilya si Darren matapos pirmahan ang kauna-unahan niyang kontrata with ABS-CBN.

Nagsimula siyang makilala nang makuha niya ang first runner-up sa singing competition na “The Voice Kids” season 1.

Bukod sa pagkanta ay ilang beses na ring tumampok sa ilang proyekto ng ABS-CBN ang singer.

Kabilang na riyan ang 2018 blockbuster film na “The Hows of Us” kung saan bida ang loveteam na KathNiel, pati na rin sa 2022 iWantTFC musical series na “Lyric and Beat” na kung saan ay bida sina Andrea Brillantes, Kyle Echarri, Seth Fedelin at AC Bonifacio.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bukod diyan, isa rin siya sa mga hurado ng “Tawag ng Tanghalan” season 6 ng noontime show na “It’s Showtime.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending