Carla Abellana may bagong hugot: 'One of the hardest lessons in life is to forgive someone who was never truly sorry' | Bandera

Carla Abellana may bagong hugot: ‘One of the hardest lessons in life is to forgive someone who was never truly sorry’

Ervin Santiago |August 14,2023
facebook
share this

Carla Abellana may bagong hugot: ‘One of the hardest lessons in life is to forgive someone who was never truly sorry’

Ervin Santiago - August 14, 2023 - 07:28 AM

Carla Abellana may bagong hugot: 'One of the hardest lessons in life is to forgive someone who was never truly sorry'

Carla Abellana

MUKHANG may pinatatamaan na naman ang Kapuso actress na si Carla Abellana sa latest post niya sa kanyang Instagram account.

Ito’y may kauganayan sa isyu ng pagpapatawad sa isang tao na aniya’y isa sa pinakamahirap gawin lalo na kung alam mong hindi naman talaga nito pinagsisisihan ang nagawang kasalanan.

Sa kanyang Instagram account, nag-post si Carla ng isang short clip kung saan sinagot niya ang katunungan kung ano ang “hardest lesson” na natutunan niya sa pakikipagsapalaran sa buhay.

“One of the hardest lessons in life is to forgive someone who was never truly sorry,” ang pahayag ni Carla.

Wala nang sumunod pang sinabi ang aktres pero feeling ng netizens, ang kanyang ex-husband na si Tom Rodriguez ang pinatutungkulan niya rito. Nasa Amerika pa rin hanggang ngayon ang aktor at ine-enjoy lang ang pagiging single.

Sa isang panayam naman ay natanong si Carla kung naiisip pa ba niyang magpakasal uli after what happened sa marriage nila ni Tom.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Ayoko nang mag-asawa, nabanggit ko na iyan. Ayoko na, sa totoo lang. Pero sa buhay, tingnan ninyo na lang, nothing is certain. Sinasabi nating ayaw o gusto natin, pero may mga bagay na nangyayari na hindi natin inaasahan.

Baka Bet Mo: Paul Salas napahiya sa taping, gusto na sanang mag-quit sa showbiz: Sabi ko, ayoko na!

“Di ko siya pipilitin, di ko siya hahanapin, pero kung dumating, welcome siya sa akin. Ayoko din namang magmatigas, ayoko din naman nu’n.

“Pero sa ngayon, sarado na siya, pati pinto, pati windows, pati bakod sarado,” aniya pa.

In fairness, sinabi rin ni Carla na naka-move on na siya sa paghihiwalay nila ni Tom, “Pangit ang nagbibitbit ka ng anger, resentment, bitterness kasi ikaw pa rin ang talo pag dala-dala mo yun.

“Okay lang naman na hindi siya madaliin. It takes time, di siya agad naa-acquire. Yang forgiveness, medyo matagal na proseso, hindi pinipilit.

“Forgiveness is for you or for yourself, not for whoever should be given your forgiveness,” aniya pa.

Sa ngayon ay patuloy pa ring nagtatrabaho si Carla. Huli siyang napanood sa “Voltes V Legacy.” Semi-regular din siya sa weekly musical-variety show na “All-Out Sundays” ng GMA 7.

Ruffa hindi pa sure kung mag-aasawa uli: All I know is, I’m not going to end up alone, ipinagdarasal ko yan

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Jinkee mas piniling patawarin ang mga kaaway: Be free from prison of bitterness!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending