Resbak ni Sunshine sa epal na basher: Masarap po mabuhay nang may pagpapatawad at pagmamahal sa puso | Bandera

Resbak ni Sunshine sa epal na basher: Masarap po mabuhay nang may pagpapatawad at pagmamahal sa puso

Ervin Santiago |January 03,2023
facebook
share this

Resbak ni Sunshine sa epal na basher: Masarap po mabuhay nang may pagpapatawad at pagmamahal sa puso

Ervin Santiago - January 03, 2023 - 03:52 PM

Resbak ni Sunshine sa epal na basher: Masarap po mabuhay nang may pagpapatawad at pagmamahal sa puso

Sunshine Cruz, Cesar Montano, Diego Loyzaga at iba pang miyembro ng kanilang ‘blended family’

BINASAG ng isang “golden basher” ang pakikipag-close ng aktres na si Sunshine Cruz sa ex-husband niyang si Cesar Montano at sa partner nitong si Kath Angeles.

Hindi sang-ayon ang nasabing netizen sa naging desisyon ni Sunshine na muling mapalapit kay Cesar lalo pa’t may sarili na raw itong pamilya.

Ibinandera kasi ng aktres sa madlang pipol na magkasama sila ni Cesar at ng tatlo nilang mga anak sa pagsalubong ng Bagong Taon nitong nagdaang December 31  2022 hanggang January 1, 2023.

Sa kanyang Instagram page, nag-post si Sunshine ng ilang litrato na kuha sa kanilang New Year’s Eve dinner with Cesar and their children — Angelina, Sam, and Chesca. Naroon din ang mga anak ni Cesar kay Kath at si Diego Loyzaga, na anak naman ng aktor sa aktres na si Teresa Loyzaga.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sunshine Cruz (@sunshinecruz718)


“Cesar and Kath, thank you for hosting tonight’s dinner. The girls and I had a wonderful time chatting and catching up with all of you. We’ve missed Bohol and masaya kami na nakasama namin kayo dito sa New Year celebration,” ang caption ni Shine sa kanyang IG post.

Isang IG user naman ang nagkomento sa mga litrato nina Sunshine at Cesar, “Nag mukha ewan ito Sunshine pagkatapos lahat ito sumama pa sa bonding sa @gf ni Cesar.”

Hindi ito basta pinalampas ni Sunshine at sinagot ang netizen ng,
“Our family chose forgiveness and we are finally co-parenting.

“‘Yang mga kagaya mo will never understand but this is our family and whatever works and makes the children happy, du’n kami. Para sa mga anak,” aniya pa.

Dugtong pang pahayag ng aktres, “Cesar is very blessed to have someone like Kath. Beautiful in and out. She accepted and loved my kids and I appreciate her so much.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sunshine Cruz (@sunshinecruz718)


“Focus tayo sa positivity. Masarap po mabuhay nang may pagpapatawad at pagmamahal sa puso,” ang paalala pa ni Shine sa basher.

Kamakailan, nagpasalamat ang aktres sa lahat ng nakakaintindi at sumusuporta sa kanilang “blended family”, lalo na sa maayos na relasyon nila ngayon ni Cesar.

“Everything is okay na. Maayos na lahat. Nagkakasundo. Sino ba naman ang may ayaw na hindi magkasundo sundo? So okay naman,” aniya.

Ikinasal sina Sunshine at Cesar noon September, 2000 at nagkahiwalay taong 2013. Nag-file ng annulment ang aktres noong May, 2014, at napawalang-bisa nga ang kanilang marriage nito lamang April, 2019.

Cesar laging take 1 sa mga pasabog na eksena sa ‘Maid In Malacañang’; Diego hindi nagpalamon sa ama

Mga anak ni Sunshine nagmana kay Cesar: Napakahusay din naman kasing artista ng ama nila

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sunshine Cruz rumesbak sa netizen na nagsabing siya ang rason sa paghihiwalay nila ni Cesar: You know nothing

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending