Cesar laging take 1 sa mga pasabog na eksena sa 'Maid In Malacañang'; Diego hindi nagpalamon sa ama | Bandera

Cesar laging take 1 sa mga pasabog na eksena sa ‘Maid In Malacañang’; Diego hindi nagpalamon sa ama

Ervin Santiago - July 25, 2022 - 07:31 AM

Cesar Montano at Diego Loyzaga

“NAPAKAGALING!” Yan ang super proud na pahayag ni Cesar Montano sa ipinakitang akting ng kanyang anak na si Diego Loyzaga sa pelikula nilang “Maid In Malacañang.”

Ito ang unang pagkakataon na nagkasama ang mag-ama sa isang proyekto at dito napatunayan nga ni Cesar na ibang klase ring aktor ang anak at talagang tumodo si Diego sa movie.

Sey ni Buboy (palayaw ni Cesar), rebelasyon si Diego sa “Maid In Malacañang” at siguradong ikagugulat ng manonood ang mga drama scenes nila sa movie na tumatalakay nga sa huling tatlong araw ng pamilya Marcos sa Palasyo noong maganap ang EDSA People Power Revolution noong 1986.

Samantala, puring-puri naman ng direktor ng pelikula na si Darryl Yap si Cesar dahil lahat daw ng eksena ng aktor ay take one lang.

Sa halip nga raw na sumigaw siya ng “Cut!” pagkatapos ng eksena ni Buboy ay super clap talaga siya dahil sa husay ng kanyang bida pati na ang lahat ng artista sa kontrobersyal nilang proyekto.

Sabi naman ni Cesar, talagang na-challenge siya sa pagganap bilang si dating Pangulong Ferdinand  Marcos, Sr. sa “Maid In Malacañang”.

“Nakakatuwa po and it’s a great honor for me para maging part ng pelikulang ito. I was just given a very short time para mag-prepare at isa yan sa challenges na hinarap natin.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Cesar Montano (@cesarbuboymontano)


“Noong ibinigay sa akin ang script, honest to goodness, maganda talaga ang script e, wala akong masabi lahat nandoon na, e. Patatawanin ka, paluluhain ka, mai-inspire ka. Ang ganda ng script wala akong masabi. Ganu’n kagaling si Direk Darryl.

“Kaya talagang bumilib ako sa kanya, kasi ang bata-bata niya, pero ang lawak ng takbo ng isip niya. Tapos yung attitude niya towards work, hanep din. Napakasarap niyang katrabaho,” sabi pa ni Cesar.

Lahad pa niya, “To play Ferdinand Edralin Marcos, it’s not an easy task for an actor, so paano, paano ko nga ba talaga bibigyan ng justice ito, ‘yun ang passion ko ang ma-challenge sa ganyang mga klase ng role.”

“Of course, ready o hindi, ang kailangan talaga ay mabigyan ko lang naman ng justice ang character ko. I’m an actor, as an actor, hindi lamang lahat ng klase ng character na ginagawa ko ay lahat ng klasseng character ay dream kong gawin.

“I’ve done so many. I did Jose Rizal, from Waway to Jose Rizal, from public enemy number 1 to our national hero I did.

“But this playing as a president of the Philippines, of course this is another challenge for me. This is a new one, hindi ko sasabihin na madali ito,” sabi pa ni Cesar.

Makakasama rin sa movie sina Ruffa Gutierrez as former First Lady Imelda Romualdez Marcos, Christine Reyes bilang si Imee Marcos, Diego Loyzaga bilang Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. at Ella Cruz na gaganap bilang Irene Marcos.

Ang mga gaganap namang mga maid in Malacañang ay sina Karla Estrada, Beverly Salviejo at Elizabeth Oropesa.

Mapapanood na sa mga sinehan nationwide ang “Maid In Malacañang” simula sa August 6 under Viva Films.

https://bandera.inquirer.net/297870/diego-mas-naging-malapit-uli-kay-cesar-nang-dahil-sa-covid-balak-humingi-sa-ama-ng-acting-tips

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/313142/cesar-sa-bashers-hintayin-na-lang-po-natin-kapag-nakaupo-na-si-sen-robin-its-unfair-to-judge-him-now
https://bandera.inquirer.net/315602/diego-loyzaga-cesar-montano-bibida-rin-sa-maid-in-malacanang

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending