Christian Bables sobrang bilib kay Keempee: Ang dami kong natutunan! | Bandera

Christian Bables sobrang bilib kay Keempee: Ang dami kong natutunan!

Reggee Bonoan - October 21, 2022 - 03:21 PM

Christian Bables sobrang bilib kay Keempee: Ang dami kong natutunan!
TWENTY years ang age gap nina Keempee de Leon at Christian Bables pero hindi halata dahil baby face naman ang una lalo na ngayong nag-ahit siya ng bigote at balbas nang dumalo siya sa virtual mediacon para sa pelikulang “Mahal Kita Beksman” na idinirek ni Perci M. Intalan.

Oo nga, ang layo ng itsura ni Keempee kapag hindi siya nag-ahit dahil mukha nga siyang matanda na na napapanood ngayon sa seryeng “2 Good 2 Be True” na gumaganap siyang estranged father ni Kahryn Bernardo.

Going back to “Mahal Kita Beksman” ay inamin ni Chrisitan na sobra siyang bilib sa Kuya Keempee niya dahil, “Sobrang hinahangaan ko si Kuya Keempee na alam iyan ni God, alam ng handler ko dahil ako ang nagkukuwento lagi every time na magkikita-kita kami, tapos katatapos lang namin gawin itong pelikula na kinukuwento ko, ‘grabe si Kuya Keempee.

“Mayroon siya part na pinapanood ko na lang siya kasi ang galing niyang gawin ‘yung ginagawa niya, na ako para akong sponge, ina-absorb ko iyon na ‘A okay ganito pala yun.’ Ang dami kong natutunan kay kuya Keempee na magagamit ko for sure sa susunod pang characters na gagampanan ko.”

At ang isa pang dahilan kaya abot-abot ang pasalamat ni Christian sa co-actor ay, “Makikita mo sa kanya yung care bilang kaibigan. Hindi ako makakapag-booster shot kung hindi dahil kay Kuya Keempee. Thank you, Keempee!”

Super proud naman si Kimpoy kay Christian dahil kahit kaliwa’t kanan na ang natanggap nitong acting award mula sa iba’t ibang film festivals abroad ay nanatiling nakatapak ito sa lupa.

“Not for anything, walang ere. Iilan lang talaga ang mabibilang ko sa daliri ko, kung ilang tao lang kasi yung iba malakas ang dating, medyo mayabang. Ito wala, ni bahid ng isang ano, wala. Napakanatural.

“At saka proud ako rito kasi talagang magaling na aktor ito. Kumbaga as an old timer, maiisip ko lang ngayon kung sino ‘yung talagang magaling gumanap sa ganitong roles sa mga kaedaran ni Christian ha. At saka very down to earth itong batang ito. Not for anything pero talagang nakatanggap siya ng different awards. Kumbaga nandiyan pa rin yung level niya, mababa pa rin, kumbaga taong-tao pa rin. Kaya thankful ako na nakilala ko ito,” sinserong pahayag ni Keempee.

Unang pagkikita palang daw ay napansin na kaagad ng 49-year old actor, “noong script reading pa lang namin madali na siyang lapitan e. Magaan yung (feeling) alam mo yung pag first time kayong nagkita, nag-meet o magkakatrabaho pa lang, malalaman mo na yung pakiramdam na magaang katrabaho itong tao na ito. And si Christian kasi smiling face ito e, tawa lang nang tawa, kuwento-kuwento.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Christian Bables (@christiaaan06)

Samantala, gagampanan ni Christian ang karakter na Dali, isang makeup artist at fashion designer na akala ng lahat dahil lagi niyang kasama ang beking ama na si Jaime (Keempee) ay beki na rin ang una.

Kaya naman laking gulat nila nang malamang siya ay straight o tunay na lalaki at sigurado na siya na nakita na niya ang kanyang babaeng pinapangarap – si Angel. Si Angel, ginagampanan ni Iana Bernardez.

Karapat-dapat kaya si Dali kay Angel? Magagawa bang tanggapin ng iba ang tunay niyang pagkatao? Malalampasan ba ng pag-ibig ang lahat ng pagsubok?

Mapapanood na ang “Mahal Kita, Beksman” ngayong Nobyembre 16 sa mga sinehan produced ng IdeaFirst Company at Viva Films, directed by Perci M. Intalan kasama rin sina Katya Santos at Donna Cariaga sa pelikula.

 

Related Chika:
Christian Bables imposibleng ma-in love sa bading: My preference ay hindi po same sex…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Christian Bables: Kahit ipis ang role payag ako basta makatrabaho ko lang si Joel Lamangan!

Keempee takot na takot nang tamaan ng COVID, nagpasalamat sa ABS-CBN: Hindi kami pinabayaan…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending