John Lloyd na-in love sa Palawan: Para kang binabalot ng hiwaga... | Bandera

John Lloyd na-in love sa Palawan: Para kang binabalot ng hiwaga…

Ervin Santiago |November 23,2021
facebook
share this

John Lloyd na-in love sa Palawan: Para kang binabalot ng hiwaga…

Ervin Santiago - November 23, 2021 - 08:00 AM

John Lloyd Cruz

SA isang lugar sa napakagandang probinsya ng Palawan nag-stay ang award-winning actor na si John Lloyd Cruz noong magdesisyon siyang iwan pansamantala ang mundo ng showbiz.

Ipinaliwanag ni Lloydie sa panayam ng Kapuso Mo, Jessica Soho last Sunday kung bakit sa El Nido, Palawan niya napiling manirahan noong bigla siyang mawala sa limelight.

Feeling ng box-office king, yun na ang tamang panahon para mamahinga muna sa ingay ng entertainment industry ay maging “mabait” muli sa kanyang sarili.

“It was the right time to be kind to myself, to start some healing. It was the right time to start the journey of unlearning,” pahayag ng bagong Kapuso star.

“Prior to that, mga dalawang dekada akong kayod nang kayod. The thing with acquiring ‘yung mga natututuhan natin, may mga kaakibat din siyang mga bagay na kakapit sa ‘yo na mahihirapan kang magpagpag,” dagdag pa niyang paliwanag.

Samantala, sa El Nido raw siya napadpad noong mga unang buwan ng kanyang “leave of absence” sa showbiz dahil kakaiba raw ang epekto ng lugar sa kanyang pagkatao.

“Para kang binabalot ng hiwaga ng lugar, eh. Kahit sabihin mong kung saan-saan kang dako ng mundo nakakarating eh, nandito lang pala oh, isang lipad lang ‘yung katumbas,” sabi ni Lloydie.

Aniya pa, “‘Yun lang paglalakad, eh to get from Point A to Point B na sanay na sanay ka na kinokotse mo, ‘yung mga bagay na nakalimutan ko na.

“Bilang bagong dayo, ikaw ‘yung nagmamasid. Ikaw ‘yung nakatulala sa paligid mo. Sa mga panahon na ‘yun para sa isang katulad ko na nagnanais lang naman na tumahimik, hindi ka mawawalan ng dahilan para mag-extend nang mag-extend at bumalik nang bumalik,” sambit pa ng binatang ama.

Ayon nga sa isang residente ng El Nido, talagang regular daw na kumakain sa carinderia nila si John Lloyd na noong una ay nahihiya pa raw makipagchikahan sa kanila. Ngunit habang tumatagal daw ay naging kaibigan na rin nila ang aktor.

Kuwento naman ng isa pang tagaroon, “Nagpa-picture po kami tapos sobrang approachable nya. Nakausap pa namin siya sa phone kasi binigay niya number niya.”

View this post on Instagram

A post shared by John Lloyd Cruz (@johnlloydcruz83)


Sa tanong naman ni Jessica Soho kung ano ang reaksyon niya sa mga nagsasabing isa siyang ideal boyfriend sa iconic characters niya sa kanyang mga pelikula pero sa tunay na buhay ay palagi siyang sawi sa pag-ibig.

“Parang merong great danger na kalakip, eh. Parang bawal kang magkamali sa mata ng audience mo. I think ‘yun ‘yung kapalit nu’n,” sey ni Lloydie.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mensahe naman ng aktor tungkol sa pansamantalang pag-alis niya sa showbiz, “Importante rin ‘yung may tama kang motivation habang sinusuong mo ‘yung daan doon sa hinahanap mo…hindi ko rin kasi masyadong nabantayan ‘yung kapit ko sa sarili ko, sa kung ano ‘yung mga prinsipyong pinapaniwalaan ko.”

John Lloyd mapapanood na sa GMA, may bonggang pasabog kasama si Willie?

‘Big blessing’ para kay Bea ang pagiging Kapuso; makatambal kaya uli si John Lloyd sa GMA?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending