Sharon umapela sa airline companies: ‘Help us transport at least 20 dogs’
NANAWAGAN ng tulong si Megastar Sharon Cuneta upang mailigtas at mailipat ng ibang lugar ang ilang rescued dogs mula sa animal shelter ng PAWSsion Project sa Bulacan.
Ang apela ng batikang singer ay para sa airline companies upang mailipad ang at least 20 dogs papuntang Bacolod City.
“We are running out of time and we understand that it’s peak season but we would appreciate any form of help,” sey niya sa isang Instagram post.
Kung sakali raw ay willing to pay si Sharon, basta’t mabawasan lang ang mga aso na kailangang ilipat sa ligtas na lugar.
“We have prepared their vaccine cards and other documents to secure BAI permit but we can only proceed with everything once we already have confirmed flight schedules,” wika pa ng singer.
Baka Bet Mo: Jelai Andres, Buboy Villar naki-join sa ‘hotdog party’ para sa mga inabandona at nailigtas na mga aso
Aniya pa, “Your help and assistance would mean so much to the rescues this holiday season [folded hands emoji].”
View this post on Instagram
Magugunitang inanunsyo ng PAWSsion Project na kailangan nilang lumipat dahil ipinagbibili na ang lugar na kanilang nirerentahan at nagsilbing animal shelter sa San Jose Del Monte ng mahigit 300 rescues.
Ang ibinigay lamang sa kanilang palugit upang mag-stay ay hanggang katapusan na lang ng Disyembre.
Dahil sa nangyari, pansamantalang itinigil ng nasabing NGO ang rescue operations upang makahanap ng permanent shelter.
Sa ngayon, ang pupwede muna nilang gawin ay ilipat ang ilang rescued dogs sa Bacolod, habang rerenta sila ng bahay para sa mga pusa.
Mas mabuti rin daw kung may mga gustong mag-ampon ng kanilang senior dogs.
Kung kayo ay interisado at nais tumulong na mailigtas ang mga rescued animals ay mag-message lang sa Facebook page ng PAWSsion Project.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.