Anak ni Mary Jane nasasabik na: ‘Mararanasan ko na magka-nanay!’
NAGPAHAYAG ng taos-pusong pasasalamat ang bunsong anak ni Mary Jane Veloso na si Darren Veloso Candelaria.
Sa isang interview with TV5, naikuwento ni Darren na isang taon pa lamang siya nang makulong ang kanyang ina kaya nasasabik na siyang makasama ito.
“Nagpapasalamat po ako sa Indonesian government dahil po sa wakas po, makakalaya na po ang mama ko,” sey ng binata.
Aniya pa, “Mararanasan ko na po magkaroon ng nanay.”
Kung matatandaan taong 2010, ang OFW mom ay nahatulan ng kamatayan matapos matagpuang may 2.6 kilo ng heroin sa kanyang dalang maleta.
Baka Bet Mo: Ina ni Mary Jane Veloso natatakot sa pag-uwi ng anak sa Pinas
Giit niya at ng kanyang mga tagasuporta, siya ay nabiktima ng isang international drug syndicate.
Noong 2015, muntik na siyang bitayin ngunit naantala ito matapos maaresto ang kanyang hinihinalang recruiter.
Recently lamang, inilipat si Mary Jane sa Jakarta bago ang kanyang nakatakdang pag-uwi sa Pilipinas.
Ang hakbang na ito ay kasunod ng kasunduan sa pagitan ng gobyerno ng Indonesia at Pilipinas para sa kanyang repatriation.
Ayon sa mga opisyal ng Indonesia, maaaring maganap ang kanyang paglipat sa Pilipinas sa Martes, December 17.
Bagamat hindi pa nagbibigay ng pormal na impormasyon ang mga awtoridad ng nasabing bansa ukol sa eksaktong detalye ng transfer.
Sa isang panayam kay Mary Jane, sinabi niya na ang kanyang paglaya ay isang milagro.
Pagdating sa Pilipinas, siya ay pansamantalang mananatili sa Correctional Institution for Women sa Mandaluyong City, habang inaasikaso ang iba pang legal na proseso kaugnay ng kanyang kaso.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.