Angelica Yulo proud na ibinandera mga regalo mula sa 2 anak

Angelica Yulo proud na ibinandera mga regalo mula sa 2 anak

Ervin Santiago - August 18, 2024 - 03:31 PM

Angelica Yulo proud na ibinandera mga regalo mula sa 2 anak

Angelica Yulo, Carlos Yulo, Eldrew at Elaiza Yulo

IBINANDERA ni Angelica Yulo ang mga natanggap na bonggang regalo mula sa dalawang anak na sina Eldrew at Elaiza Yulo.

Super proud na ibinahagi ng nanay ni 2-time Olympic gold medalist na si Carlos Yulo sa kanyang social media account ang mga ibinigay na gift ng mga anak.

Sa kanyang Facebook post, sinabi ni Angelica na masayang-masaya siya dahil muli siyang naalala nina Eldrew at Elaiza. Appreciated much daw niya ang gesture ng dalawang bagets.

Bukod daw dito, nakatanggap din ng regalo mula kay Eldrew ang kanyang ama.

Baka Bet Mo: Carlos Yulo pinayuhang puntahan, makipag-ayos na sa inang si Angelica

Kalakip ang litrato ng isang bag, inilagay ni Angelica ang mensahe sa kanya ni Elaiza, “Ma this is for you. You deserve it. Binili kita ng pwede mong magamit pag aattend ka ng party.

“Pag pera kasi binigay ko sayo di ka na naman bibili ng para sayo. Gagamitin mo naman para sa amin,” ang sabi pa raw sa kanya ni Elaiza.

Speechless daw ang nanay ni Carlos sa sinabi ng babaeng anak sabay nag-thank you.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Samantala, nag-post uli si Angelica sa kanyang Facebook account ng litrato ng pares ng sapatos na iniregalo naman sa kanya ni Aldrew.

Ang nakalagay sa caption, “Yung Isang anak mo na di nagpakabog Kay Elaiza Yulo tapos Sabi pa nya sa akin mama 13k ang budget ko for you.

“Ok na to nak tabi no na ung ibang money mo. Alam ko kulang pa yan sau kasi akala mo anak ka ni Henry Sy sa lakas mong gumastos. thank you so much Karl Yulo,” mensahe pa ni Angelica sa anak.

Baka Bet Mo: Carlos Yulo dedma sa ina, nag-message sa ama: Mahal na mahal kita

Narito ang mga reaksyon ng netizens sa mga bagong post ng ina ni Carlos.

“Ang bait naman Talaga ni Karl Yulo kaya idol ko yan ei at saludo ako sayo Karl at stay humble at maging mabait at mapagmahal lang sa Nanay.. Next Gold aabangan ka namin at naniniwala kami sayo Karl.”

“Wow… Napakabait na anak naman ng baby iza.”

“Ang galing naman tlga! Ramdan kc ng dalawa yung pain mo inside maam..Gusto nilang pangitiin ka.”

“Binili na kayo mare baka pag pera binigay itabi nyo na naman daw at ipambili ng ulam.Alam mo naman pag nanay laging inuuna ang grocery.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“So sweet and loving kids. Never fail to show their love and appreciation to their parents.They will Be shower  with more blessing.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending