Carlos Yulo sa pamilya: Thank you sa pagmamahal nila sa akin!

Carlos Yulo sa pamilya: Thank you sa pagmamahal nila sa akin!

Ervin Santiago - August 18, 2024 - 12:20 AM

Carlos Yulo sa pamilya: Thank you sa pagmamahal nila sa akin!

Carlos Yulo

SIGURADONG umabot na sa mahigit P100 million ang incentives at rewards na natanggap at tatanggapin pa ng 2-time Olympic gold medalist na si Carlos Yulo.

Patuloy ang pagbuhos ng blessings kay Carlos matapos ang kanyang matagumpay na paglaban sa 2024 Paris Olympics kung saan nakapag-uwi nga siya ng dalawang gold medal.

Baka Bet Mo: Angelica Yulo pwedeng matanggap si Chloe bilang GF ni Carlos, paano?

Certified milyonaryo nang matatawag ang champion Filipino gymnast kaya naman marami ang napapa-sana all sa nakamit na success ng binata mula sa pagiging atleta.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Narito ang listahan ng mga natanggap at matatanggap pang incentives ni Carlos.

1. P20 million mula kay President Ferdinand Marcos, Jr..

2. P20 million mula sa gobyerno (Republic Act 10699)

3. House and lot sa Tagaytay City mula sa Philippine Sports Commission

4. P3M million at P32-million three-bedroom condo unit sa Taguig City

5. House and lot sa Nasugbu, Batangas

6. P14M mula sa House of Representatives

7. P5 million mula sa ArenaPlus

8. P5 million mula kay Chavit Singson

9. P3 million mula sa Bounty Fresh

10. Toyota Land Cruiser Prado

11. Lifetime supply ng mga produkto at serbisyo mula sa iba’t ibang kumpanya

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Samantala, sa guesting ni Carlos sa programa ni Willie Revillame sa TV5, ang “Wil To Win”, nagbigay siya ng mensahe para sa kanyang pamilya.

Baka Bet Mo: Carlos Yulo dedma sa ina, nag-message sa ama: Mahal na mahal kita

Pinasalamatan muna ni Willie si Carlos dahil sa karangalang ibinigay sa Pilipinas sabay tanong ng, “Sino ang inspirasyon mo sa buhay?”

Tugon ni Carlos, “Unang-una po, si Lord, grabe po yung ibinigay Niya na talento, lakas, guidance. And sobrang blessed po ako through all out the game saka sa mga naranasan ko sa buhay. Palagi Siyang nandiyan.

“Family, siyempre yung partner ko na palaging…grabe, yung well-being ko and mental health na nasusuportahan ako sa lahat.

“Siyempre, si Ma’am Cynthia (Carrion) po na president po namin na itinaguyod po niya talaga yung gymnastics sa Pilipinas. Sobrang thankful po ako sa kanya,” pahayag ng binata.

Sabi uli ni Willie sa kanya, “Medyo alam ko may mga pinagdadaanan ka, nakapag-usap kami kanina sa backstage. Sabi ko, masarap yung buo ang lahat at siyempre, yung mga mahal mo sa buhay, nandiyan sa ‘yo.

“Ano ang gusto mong sabihin sa mga mahal sa buhay?” tanong uli ng TV host.

Sabi ni Carlos, “Nagpapasalamat po ako na nandiyan sila, nakaantabay. Ipinagdarasal ako sa lahat ng mga ginagawa ko sa buhay.

“Naaalagaan hindi lang bilang atleta, bilang tao na rin po. Wala po akong masabi kundi pasasalamat. Thank you sa pagmamahal na ibinibigay nila sa akin.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Hindi ko po alam, ito po yung naging resulta ng pagsusuporta nila. Maraming salamat po,” mensahe pa ni Carlos.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending