Igot natumbok ang ika-6 archery gold sa Batang Pinoy National Finals | Bandera

Igot natumbok ang ika-6 archery gold sa Batang Pinoy National Finals

- August 29, 2019 - 08:25 PM

 

NATUMBOK nina Aldrener Igot ng Cebu City at Naina Dominique Tagle ng Dumaguete City ang kanilang ikaanim at ikalimang gintong medalya ayon sa pagkakasunod sa pag-usad ng archery competition ng 2019 Batang Pinoy National Finals sa Ramon V. Mitra Sports Complex sa Puerto Princesa City, Palawan.

Ang 14-anyos na si Igot ay nagdomina sa Olympic round boys event matapos na makuha ang mga gintong medalya sa 40m, 50m, FITA, 20m at 30m events sa ikalawang araw ng kompetisyon.

“Masaya po ako kasi nakuha ko po ‘yung pang-sixth (gold). Walo po talaga ang target ko sana po makuha ko,” sabi ng pambatong archer ng Cebu.

Dinaig ni Igot ang pambato ng host city na Puerto Princesa na si Nathaniel Carlos 6-2 sa Olympic round.

Susunod na sasabak si Igot sa mixed event at boys’ team event para sa kanyang ikapito at ikawalong ginto.

Natudla naman ng 11-anyos na si Tagle ang kanyang ikalimang ginto matapos talunin si Shayne Dinopol ng Cebu City sa Olympic round girls Cubs.

“I was perfectly fine with the rain and I’m happy because I was able to get the golds. My ate (Nicole) told me to do my best so I just did it,” sabi ng 11-anyos na si Tagle.

Si Tagle, na kapatid ng national archery team member na si Nicole Tagle, ay nanaig sa 20m, 40m, 50m at FITA events.

Sa athletics, apat na ginto naman ang nakuha ni Siklab Youth awardee Magvrylle Chrause Matchino ng Laguna Province matapos na magdomina sa 1500m girls (5.05.0), 4x100m girls (52.4), 2000m steeplechase (7:38.8) at sa 4x400m girls (4.17.3) events.

Sa gymnastics, dalawang ginto ang nauwi ng kapatid ni Karl Eldrew Yulo na si Elaiza Andriel matapos na magwagi sa individual all around at vault events.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa cycling, nagwagi si Ruben Dela Cruz Jr. ng Pangasinan sa MTB event sa kanyang naitalang oras na 7:21.8.

Ang Batang Pinoy National Finals na inorganisa ng Philippine Sports Commission at suportado ng Milo ay tatagal hanggang Agosto 31.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending