Senatoriable Chavit Singson namigay ng tig-P10,000 sa mga residente ng Antique
NAMIGAY ang senatorial aspirant na si dating Ilocos Sur governor Chavit Singson ng tig-sampung libong piso sa Hamtikanon sa kanyang pagbisita sa Antique noong November 6.
Nasa probinsya si Singson upang makibahagi sa pagpupulong ng Liga ng mga Barangay sa Pilipinas-Antique Chapter.
Ang pa-premyo ni Chavit ay bahagi ng pagsusulong niya ng kanyang programang “Bangko ng Masa” na may layong mabigyan ng bank account ang lahat ng Pilipinong edad 18 pataas.
Gustong patunayan ng senatorial aspirant na gumagana ang mga “Bangko ng Masa” accounts na binuksan ng mga nakilahok sa pagpupulong.
Baka Bet Mo: Senatoriable Chavit Singson: In-house hospitals sa mga kulungan kailangan para sa seguridad
Ayon kay Singson, 77% ng mga Pilipino ay walang bank accounts, samantalang 95% ay walang credit cards.
Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng bank account, ligtas na makapagtatabi ng ipon ang mga Pilipino, at mas mapapadali ang mga transaksyon sa pagbabayad at pagpapadala.
Malaking tulong ito lalo sa mga overseas Filipino workers (OFW) na iniinda ang mahal na remittance fees tuwing nagpapadala ng pera sa kanilang mga mahal sa buhay sa Pilipinas.
Kung matatanda, nag-file ng certificate of candidacy (CoC) sa pagka-senador si Singson noong October 7 para sa 2025 midterm elections.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.