Aiko Melendez first time na ‘di makakasama ang mga anak sa Mother’s Day: That completely breaks my heart…
Kahit naka-quarantine, aktibo pa rin sa kanyang trabaho ang Konsehala ng ikalimang distrito ng Quezon City na si Aiko Melendez.
Ilang araw na mula nang mag-positibo siya sa COVID-19 ang konsehala, pero patuloy pa rin ang serbisyo ng kanyang opisina dahil may iniwan siyang instructions sa kanyang Team AM.
Tulad kanina, pinost niya ang mga constituents na nakatanggap ng guarantee letter galing sa kanyang opisina.
Ang caption ng konsehala, “Marami muli tayong natulungan ngayong araw na ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng Guarantee letter sa aking mga kadistrito! Ako ay kaisa nyo sa patuloy na pag galing n’yo. Karangalan ko ang magserbisyo sa inyo! #AksyonAtMalasakit #Councilor #AikoMelendez.”
Samantala, ibinandera ni konsehala Aiko nitong May 11 ang mga nararamdaman niya kaya’t alam niyang positibo siya sa nasabing virus pagdating niya galing ibang bansa.
Sey niya, “Covid Serye – Rashes, LBM another achievement unlocked brought to you by COVID… Honestly kung mahinang strain lang itong kumapit sa akin then kaya naman labanan ang Covid.”
Dagdag pa niya, “I mean so early for me to say this. I’ve had all the symptoms: Colds, Cough, Fever, LBM, Rashes, Shortness of breath.”
Baka Bet Mo: Payo ni Aiko Melendez sa mga baguhang artista: ‘Be humble…matutong magpasalamat’
Inihayag pa ni Aiko na dahil sa kanyang sakit ay mukhang hindi niya makakasama ngayong Mother’s Day ang kanyang mga anak.
“Kinakaya ko nahihirapan ako more sa pag ubo. And ‘yung biglaan mag-isolate ka na ‘di ka handa. It’s almost Mother’s day and the truth is I may not be able to spend it first time with my kids this Sunday. And that completely breaks my heart,” patuloy niya. sa post.
Ani pa ni konsehala, “Sila ang mundo ko ‘tas bigla sa important okasyon wala ako. Single mom / dad pa naman nila ako, so, ang kalaban sa COVID is utak mo.”
Lahad pa niya, “I thank God for giving me a partner like Cong. Jay Khonghun pinapatawa n’ya ako since this morning para di ako ma sad facetime kami almost every hour.”
Patuloy na chika pa niya, “Di n’ya ako pinapabayaan hanggang sa now nakatulog na s’ya sa kabusugan daw di s’ya makahinga akala n’ya nahawaan ko sya virtually.”
Mensahe pa niya sa publiko, “So sa lahat ng may sakit and who is in the hospital now, you have my love and prayers lalo na sa moms na nasa hospitals ngayon at sa mga susunod na araw sa mas mahirap na laban kaysa sa akin na ‘yung iba fighting their chances to live not just for mother’s day but to live just for another day!
“Kaya naniniwala ako sa pinasikat ni mader Ogie Diaz na every gising is always a blessing! Totoo yan. Bukas uli kwentuhan tayo guys,” aniya.
Related Chika:
Andi Eigenmann inalala ang hindi nakuhang ‘Marimar’ role, umaming humagulgol nang bonggang-bongga
Aiko: Hindi ako naghihirap pero hindi ko rin masasabing mayamang-mayaman ako…
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.