Aiko: Hindi ako naghihirap pero hindi ko rin masasabing mayamang-mayaman ako…
Marthena Jickain, Aiko Melendez at Andre Yllana
NANGGULAT si Aiko Melendez dahil buong akala ng lahat ay kakandidato siya bilang representative ng 5th District ng Quezon City, pero hindi pala.
“Konsehal” ang nakalagay sa isinumite niyang Certificate of Candidacy kaninang tanghali sa Comelec Centris, Quezon City.
Kasama ng aktres ang boyfriend niyang si Zambales Vice-Governor Jay Khonghun na itinuturing niyang swerte sa kanya.
Ang caption ng larawang ipinost ni Aiko kasama si VG Jay sa kanyang Facebook page pagkatapos niyang magsumite ng COC, “My Lucky Charm! Cong ko Jay Khonghun, Love you baby!
“Salamat ikaw ang nagpapalakas ng loob ko at ikaw ang idol ko sa public service! Andre Yllana and Marthena Jickain, I will make you all proud! God willing. We will serve Dist 5 of Quezon City.
“Mom Elsie Castaneda to my brother Angelo Castaneda sisters Michiko Castaneda Bibit and Erika Akiko Castaneda Jacinto salamat sa inyong lahat at sa mga media friends po naten salamat po! Mader Ogie Diaz gagalingan ko to or else,” aniya pa.
Nagpadala kami ng mensahe kay Aiko para alamin kung bakit nabago ang plano niyang tumakbo for congress, “Nasa meeting lang ako, Ate. Balikan kita mamaya,” sagot sa amin ng aktres.
Anyway, sa ikalawang post ni Aiko ay isa-isa niyang tinukoy ang mga nagawa niya noong naging konsehal siya ng siyam na taon.
“Hindi ko papasukin ang public service dahil sa ako ay wala kasiguruhan sa mundo na kung san ako galing.
“Sa katunayan nga saksi ang GMA 7 family ko na iiwan ko ang Prima Donnas at masakit man sa puso at kalooban nila na mawawala ako sa show at aalis dahil papasukin ko muli ang mundo ng public service.
“Nakatapos ako ng 2 pelikula ngayong pandemic me iniwan ako na show na hanggang next year. Hindi ako naghihirap pero di ko din masasabi na mayaman na mayaman ako.
“Modesty aside po matagal na ako sa industriya galing ako sa mga soap operas na nagtagal pareho sa ere. Madami na ding nagawang pelikula, may mga endorsements at higit sa lahat hindi po ako nawawalan ng proyekto.
“Marahil na din dahil sa mahal ako ng Diyos kaya tuloy-tuloy ang biyaya na dumating sa akin na gusto ko ibalik sa tao.
“Lahat ng ito hindi bago sa akin 9 na taon akong naging konsehal. Nag aral ako at wala ako iniwan na di maganda sa QC. Kaya taas-noo ko na maipag mamalaki na babalik ako dahil higit akong kailangan ng mga aking ka-distrito na buong katapatan kong pinaglingkuran dati.
“Kaya nating bigyan ng solusyon ang mga problema sa gitna ng pandemya lalo na kung ito ay galing sa puso at napag-iisipan.
“Hindi ko minana o pinasa sa akin ang pagiging public servant, tumayo po ako at nag trabaho, pinagpaguran ang inyong pagtitiwala ng siyam na taon dala tapat at masipag na pagserbisyo.
“Ako lang sa pamilya namin ang pumasok sa pulitika dahil sa pag susumikap. Kaya kahit magkakaiba ang naging batayan o pulso natin sa pagpili ng lider buong puso ko mapagmamalaki na hindi ako nagnakaw at nag malabis sa pondo ng bayan at kailanman hindi ko ipagkakait Ang Serbisyo at benepisyo na para sa Tao,” ang mahabang pahayag ng aktres.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.