Nanay ni Mika dela Cruz natawa lang sa tsismis na nabuntis ni Nash Aguas ang anak Bandera

Nanay ni Mika dela Cruz natawa lang sa tsismis na nabuntis ni Nash Aguas ang anak

Reggee Bonoan |March 10,2021
share this

Nanay ni Mika dela Cruz natawa lang sa tsismis na nabuntis ni Nash Aguas ang anak

Reggee Bonoan - March 10, 2021 - 02:32 PM

“WE are not upset actually, since we know the truth. We are all laughing about it.”

Iyan ang sagot ng mommy ni Mika dela Cruz na si Angelica Egger sa tanong namin kung nabahala sila sa balitang buntis ang anak at ang boyfriend nitong si Nash Aguas ang ama.

Ipinagdiinan ni Mommy Angelica na hindi nagdadalang-tao ang ang young actress.

“It is not true (na buntis si Mika). It started with a post of Nash on Instagram and his joke was misinterpreted by vloggers and spread like wildfire,” paliwanag niya sa amin.

Ang IG post ng aktor ay ang larawang nakakandong sa kanya ang kasintahan na nakasuot ng puting damit at maluwag sa bandang tummy kaya inakalang buntis, bukod pa sa nakakaintrigang caption dito ni Nash.

“Imbitado po kayong lahat sa binyag ng aking anak na si @mikadlacruz HAHAHAHAHAHHA SORRY NA LABYU HAHAHA,” ang birong pahayag ng aktor at negosyante.

Tawang-tawa ang lahat dahil ipinost sa YouTube na Celebrity YT Channel na buntis das si Mika.

Ayon sa video post ng aktor sa kanyang IG, “Nag-post po ako at ang picture na mukhang nakapangbinyag si Mika tapos ayon sa YouTube buntis daw si Mika. Ha-hahaha! May sinapupunan pa. Hahahaha! What the heck.”

Sa kasalukuyan ay wala pang plano sina Nash at Mika dahil mga bata pa sila at prayoridad pa rin nila ngayon ang kanilang mga career.

                          * * *

Ang iWantTFC subscribers ang unang makakapanood ng pagtatapos ng “Ang Sa Iyo Ay Akin” at ng bagong teleseryeng “Huwag Kang Mangamba” pati na ang “Aja Aja Tayo Sa Jeju” ngayong Marso dalawang araw bago sila ipalabas sa TV.

Ang iWantTFC ang kauna-unahang streaming service na available sa mga Pilipino sa buong mundo at naglalaman ng pinakamalaking koleksyon ng mga bago at minahal na Filipino movies at shows, kabilang na ang advance episodes ng mga Kapamilya teleserye na kasalukuyang ipinapalabas.

Para mga hindi na makapaghintay sa kahihinatnan ng relasyon nila Marissa (Jodi Sta. Maria) at Ellice (Iza Calzado) sa Ang Sa Iyo Ay Akin ipapalabas ang pagtatapos ng serye sa iWantTFC sa Marso 17, dalawang araw bago ito mapanood sa kahit anong channel o ABS-CBN platform.

Sa Marso 20 ay mapapanood din ng iWantTFC subscribers ang “Huwag Kang Mangamba” nina Andrea Brillantes, Seth Fedelin, Francine Diaz, at Kyle Echarri. Ibabahagi nito ang kwento ng dalawang batang pagtatagpuin ng isang aksidente at sisikaping bumalik ang pananampalataya ng bayan nila sa Diyos.

Saya at adventure naman ang hatid ng “Aja Aja Tayo Sa Jeju”, isang bagong variety-reality show kung saan lilibutin nina Robi Domingo, Kristel Fulgar, Shine Kuk, at Donny Pangilinan ang Jeju, South Korea at gagawa ng exciting challenges kasama ang iba’t ibang Pinoy at Korean guests.

Una rin itong ipalalabas sa iWantTFC sa Marso 18 bago sa ibang platforms. Linggo-linggo namang mapapanood ang adventures nila sa bagong advance episode na ilalabas kada Huwebes, 8 PM.

Bukod sa mga ito, patuloy pa ring napapanood ang dalawang araw na advance episodes ng mga teleseryeng FPJ’s Ang Probinsyano, Walang Hanggang Paalam at Bagong Umaga sa iWantTFC.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending