Nash Aguas umalma sa chikang buntis ang dyowang si Mika dela Cruz Bandera

Nash Aguas umalma sa chikang buntis ang dyowang si Mika dela Cruz

Therese Arceo |February 08,2022
share this

Nash Aguas umalma sa chikang buntis ang dyowang si Mika dela Cruz

Therese Arceo - February 08, 2022 - 01:57 PM

Nash Aguas umalma sa chikang buntis ang dyowang si Mika dela Cruz
PINABULAANAN ng aktor na si Nash Aguas ang mga kumakalat na balitang buntis ang kanyang girlfriend na si Mika dela Cruz.

Sa latest showbiz update vlog ni Ogie Diaz ay napag-usapan nga nila ang isyu at nilinaw ng talent manager na wala itong katotohanan.

“Kausap ko nga si Nash Aguas. Sabi ko kasi nga may blind item. Sabi niya, ‘Last year pa yan na na-blind item si Mika na buntis raw, ngayon may lumabas na naman? Di totoo yan, Tito Ogie’,” paglalahad ng talent manager base sa kanilang pag-uusap ng aktor.

“‘Medyo biggie lang si Mika ngayon’. Dahil nga sa lumaki kasi syempre alam mo na, wala pang work. Stay sa bahau so medyo biggie siya,” dagdag pa ni Ogie.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Mariko [まりこ] (@mikadlacruz)

Pero ayon sa aktor, ngayon daw ay nagsisimula na si Mika na mag-work out para muling makabalik sa dating figure.

Na-curious naman si Ogie kung bakit si Nash ay hindi tumataba.

“Araw-araw naman akong bumababa sa Cavite City so talagang nabu-burn ‘yung fats ko,” sagot naman sa kanya ng binata.

Kasalukuyan kasing tumatakbo bilang councilor ng Cavite City si Nash.

Singit naman ni Mama Loi, bakit daw hindi na lang isama ng binata si Mika sa kanyang kampanya.

Tingin naman ni Ogie, marahil ay kaya ayaw niya itong isama dahil ayaw niyang isipin ng tao na ginagamit niya ang kasintahan para sa pangangampanya.

“So hindi po totoo na buntis si Mika. Yes, medyo lumalaki lang dahil nasa bahay palagi. Alam mo na, kahit naman kami. Kapag nasa bahay ay lamon ng lamon,” paglilinaw muli ni Ogie.

Related Chika:
Nanay ni Mika dela Cruz natawa lang sa tsismis na nabuntis ni Nash Aguas ang anak
Nash Aguas tatakbong konsehal sa Cavite
May bago na nga bang nagpapatibok ng puso ni Kiko Estrada?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending