May bago na nga bang nagpapatibok ng puso ni Kiko Estrada? Bandera

May bago na nga bang nagpapatibok ng puso ni Kiko Estrada?

Therese Arceo |January 28,2022
share this

May bago na nga bang nagpapatibok ng puso ni Kiko Estrada?

Therese Arceo - January 28, 2022 - 01:06 PM

May bago na nga bang nagpapatibok ng puso ni Kiko Estrada?

USAP-USAPAN ngayon ang aktor na si Kiko Estrada dahil sa kumakalat ngayon na Tiktok video kung saan kasama niya ang Miss World PH 2nd Princess na si Janella Lewis.

Sa mga kumakalat na video ay makikita na nagli-lip sync ang dalaga pagkatapos ay tinitigan siya ng aktor.

Bukod pa rito, mayroon ring TikTok video rin si Janelle habang nakasakay sa motor boat kasama naman ang ina ni Kiko.

Marami tuloy sa mga netizens ang curious kung ang beauty queen na nga ba ang bagong nagpapatibok sa puso ng aktor.

@lewisxjanelle @_m.i.s.t.e.r.j #fyp #foryou ♬ 5 star by Lil Wayne ft Nicki Minaj – toki

Matatandaang ang huling naka-relasyon ng aktor ay ang Kapamilya actress na si Heaven Peralejo.

Base sa kanilang pag-amin sa madlng pipol noong August 2021 ay May 2021 nang maging sila official, tatlong buwan matapos ang break up ni Kiko at Devon.

Kaya naman naging kontrobersyal agad ang dalawa dahil pinaratangan ng mga netizens si Heaven na “third party” at ang dahilan para maghiwalay ang dalawa.

Pinabulaanan naman ito ng kampo nina Heaven nguni mas nagptuloy lang ang madlang pipol sa pangba-bash sa aktres bagay na hindi na kinaya ni Kiko.

Nagkaroon pa noon ng exclusive interview ang aktor sa talent manager na si Ogie Diaz para linawin ang lahat ng isyu na ibinabato sa kanila.

Pero makalipas lang ng ilang linggo ay kumalat ang balitang hiwalay na ang dalawa matapos mag-tanggal ni Kiko ng mga larawan nilang magkasama sa Instagram account nito.

At ngayon ngang muling umiingay ang pangalan ng aktor dahil sa mga TikTok videos, ito na kaya ang sign na naka-move on na siya aa dating karelasyon at handa nang magmahal muli?

Bukas naman ang Bandera para sa pahayag ni Kiko para linawin kung totoo nang ang beauty queen nz ang dyowa nito.

 

Related Chika:
#Anyare: Kiko Estrada, Heaven Peralejo hiwalay na, nagkasawaan agad?
Heaven Peralejo naging ‘heaven’ at ‘hell’ ang relasyon kay Kiko Estrada

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending