Heaven Peralejo naging 'heaven' at 'hell' ang relasyon kay Kiko Estrada | Bandera

Heaven Peralejo naging ‘heaven’ at ‘hell’ ang relasyon kay Kiko Estrada

Ervin Santiago |December 29,2021
facebook
share this

Heaven Peralejo naging ‘heaven’ at ‘hell’ ang relasyon kay Kiko Estrada

Ervin Santiago - December 29, 2021 - 07:43 PM

Heaven Peralejo at Kiko Estrada

“HEAVEN” at “hell” ang ginawang paglalarawan ng Kapamilya actress na si Heaven Peralejo patungkol sa naging relasyon nila ni Kiko Estrada.

Sa unang pagkakataon, diretsahan nang inamin ni Heaven na naging magkarelasyon nga sila ni Kiko ngayong taon.

Sa guesting ng aktres sa morning show ng ABS-CBN na “Magandang Buhay”, natanong siya kung “heaven” ba o “hell” ang “natagpuang pag-ibig noong simula ng taon.”

Natatawang sagot ng dalaga, “Ano kaya? Both na natin. Why? Naging masaya naman ako. And marami naman akong natutunan.”

Pero ipinagdiinan niya na kapag may “heaven”, meron ding “hell” sa isang relasyon. Aniya, hindi raw talaga puro saya at kilig ang pakikipagrelasyon.

Paliwanag ni Heaven, “Yung hell, kasi siyempre, ewan ko, siguro in life hindi naman lahat masaya.”

Hindi pinangalanan ni Heaven nu’ng una ang lalaking nakarelasyon pero nang tanungin ng “Magandang Buhay” host na si Melai Cantiveros, diretso na niyang pinangalanan si Kiko.

Sa isang panayam kamakailan, talagang naapektuhan siya ng mga isyu at intrigang kinasangkutan niya this year. Aniya, malaki ang naitulong sa kanyang mental health ng pagbabakasyon sa Siargao.

Doon siya nag-celebrate ng kanyang 22nd birthday last November, “Siguro na-handle ko siya in a way na surrounded ako with people who taught me a lot of lessons.

“Yung Siargao trip ko na yun is something reflective. Nag-reflect ako nung Siargao.

“Nalaman ko yung mga bagay na okay ako, mga bagay na hindi, mga bagay na kailangan baguhin sa sarili ko at sa buhay ko, and mga tao na dapat nasa buhay ko, at dapat na hindi,” paliwanag pa niya.

Kumusta naman ang lagay ngayon ng kanyang puso? “Nasa heaven. Ngayon ‘yung pinakamasayang phase ng buhay ko, parang naging eye-opener ‘yung year na ‘to in extent na I’m just loving life, I’m riding through the waves.”

Balitang naging magdyowa sina Kiko at Heaven noong May 30, 2021 pero naghiwalay din noong September. Mariing pinabulaanan ni Kiko na naging third party si Heaven sa hiwalayan nila ng aktres na si Devon Seron.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Na-bash sila nang bonggang-bongga nang ilantad na nila ang relasyon sa pamamagitan ng kanilang mga sweet photos sa Instagram.

#Anyare: Kiko Estrada, Heaven Peralejo hiwalay na, nagkasawaan agad?

Heaven umaming naging ‘rollercoaster’ ang buhay: I’m in the phase of loving myself

2021 ni Heaven Peralejo magkahalong luha at tagumpay; malaki ang utang na loob sa Siargao

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending