Jake tinupad ang pangako sa delivery rider na tinamaan ng ligaw na bala: Nandito lang ako para sa 'yo, Ely | Bandera

Jake tinupad ang pangako sa delivery rider na tinamaan ng ligaw na bala: Nandito lang ako para sa ‘yo, Ely

Ervin Santiago - November 07, 2021 - 08:45 PM

Eleazar Martinito at Jake Cuenca

TULAD ng kanyang ipinangako, personal na binisita ng Kapamilya actor na si Jake Cuenca ang delivery rider na tinamaan ng ligaw na bala nang paputukan ng mga pulis ang sasakyan ng aktor.

Naganap ang nasabing insidente noong Oct. 9, 2021 nang habulin ng mga otoridad ang minamanehong sports utility vehicle (SUV) ng aktor dahil hindi ito huminto nang mabangga umano ang isang police car.

At dahil dito, pinaputukan nga ng mga pulis ang sasakyan ni Jake kaya naman napilitan nang huminto ng aktor. Sa kasamaang palad, tinamaan ng ligaw na bala ang delivery rider na si Eleazar Martinito.

Ilang araw makalipas ang insidente, nangako ang boyfriend ng actress-beauty queen na si Kylie Verzosa na bibisitahin niya ang biktima kapag nagkaroon ng pagkakataon para personal itong makumusta.

Sa pamamagitan ng kanyang Instagram page, ipinost ni Jake ngayong araw ang mga litrato na kuha sa pagdalaw niya kay Eleazar.

Aniya sa caption, “Masaya ako na nagkaroon ako ng pagkakataon na madalaw si Eleazar Martinito ang grab driver na nasaktan sa isang insidenteng hindi ko malilimutan.

“Taos pusong pasasalamat sa mga pulis na tumulong sa iyo at naging tulay para makilala kita,” mensahe pa ng aktor sa delivery rider.

Bukod dito, nagpasalamat din si Jake sa Diyos dahil nakaligtas ang delivery rider sa tiyak na kapahamakan at maayos na ang kundisyon nito.

“Labis ang aking pasasalamat sa Panginoong Diyos na nasa maayos kang kalagayan kasama ang iyong pamilya.

“Hangad ko ang iyong patuloy na kaligtasan at nawa’y makabalik agad sa iyong trabaho. Nandito lang ako para sa’yo Ely!” pahayag pa ng binata.

View this post on Instagram

A post shared by Jake Cuenca (@juancarloscuenca)


Kung matatandaan, nangako rin ang Kapamilya star na handa siyang tulungan ang delivery rider  kapag nangailang ito kahit pa inako na ng PNP ang responsibilidad sa nangyari.

“I also want to extend my hand,” ang pahayag ng binata sa isang panayam.

Kinasuhan ng PNP si Jake ng mga kasong reckless imprudence resulting in damage of property at disobedience to persons in authority sa Mandaluyong Police matapos ang insidente.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/295319/jake-sa-mga-umarestong-pulis-hindi-ako-naglaban-hindi-ko-sila-pinahirapan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending