Tootsie Guevara pinaghubad ng DOM: Gusto kong makita s*so mo!
MATINDI rin pala ang nangyari sa OPM artist na si Tootsie Guevara noong kasagsagan ng kanyang kasikatan ilang taon na ngayon ang nakararaan.
May mga valid reason pala si Tootsie sa pag-quit sa mundo ng showbiz noon at magdesisyong manirahan at magtrabaho na lamang sa Amerika.
Sa mga hindi pa masyadong aware, sumikat si Tootsie bilang singer noong dekada ‘90. Siya ang nagpasikat sa mga OPM hits na “Pasulyap-Sulyap,” “Kaba,” “Mahal Ka Sa Akin” at marami pang iba.
Sa panayam kay Tootsie ng kapwa OPM artist at dating partner ni Geneva Cruz na si Paco Arespacochaga sa YouTube channel nito, isa raw sa mga dahilan ng pagkadismaya niya noon sa entertainment industry ay dahil sa mga ng DOM (dirty old men) at indecent proposals.
Baka Bet Mo: Magaling na aktor na napiling bida sa bagong pelikula biglang pinatanggal ng TV executive, may favoritism yarn!?
Pareho nang naka-base sa Amerika sina Tootsie at Paco kaya naman more or less ay alam na nila kung gaano kahirap ang manirahan sa isang malayong bansa na ibang-iba ang kultura sa Pilipinas.
Pahayag ni Tootsie kay Paco, “You and I know in the entertainment industry, there’s always gonna be a lot of temptations, indecent proposals. Hindi mo maiaalis yan.
“And I had to make a tough decision if I would go to that lane or stick to my lane with knowing the consequences of my decision,” sabi ni Tootsie.
Sinang-ayunan naman ni Paco, na isa sa original member ng OPM band na Introvoys, na grabe ang mga indecent proposal noon sa mga female singer-perfomer na tulad ni Tootsie.
Sa pagkakaalam niya, ang mga nag-aalok ng mga indecent proposal noong panahon nila ay mga DOM na nasa edad 50, kasal at may mga anak na.
Pambubuking pa ni Paco, ang mga babaeng tatanggap ng indecent proposal ay bibigyan nga bahay at SUV.
Pahayag pa ni Tootsie, “So I felt like they saw me as a target. They saw me as an opportunity, thinking, ‘O, eto si Tootsie, she’s gonna say yes.’
“Alongside of that, I felt like I didn’t fit in and I felt like I was being pressured to fit in,” sey pa ni Tootsie.
Kasunod nito, naikuwento rin ni Tootsie ang dalawang executive sa showbiz na nag-alok ng bahay sa kanya at kung paano niya ito hinarap.
Sabi ng dating singer sa unang executive, “Ang ano ko, ‘Pakakasalan mo ba ako?’ Tinanong ko siya. Ang sagot niya, tumawa.
“Ang sagot sa akin, ‘I don’t effing understand you. No one says no to me!’ Ang sabi.
“Pangalawa ang sabi niya, ‘bibigyan kita ng bahay sa Forbes Park, ayaw mo? So, baka gusto mo downtown, doon sa Manila Bay, sa Makati. Ayaw mo din? E, anong gusto mo, yung bahay mo sa Cainta?’” ang sabi raw sa kanya ng naturang executive.
Tugon daw ni Tootsie, “’Bakit pakakasalan mo ba ako? Hihiwalayan mo ba ang asawa mo, at kailangan kasama ang pamilya ko?’” Natawa lang daw ang top executive.
Pero mas matindi raw ang karanasan niya sa ikalawang executive kung saan kasama pa raw niya ang kanyang ina, “May isa pa (ang sabi), ‘Hubarin mo nga ang damit mo, gusto ko makita kung gaano kalaki ang suso mo.’ Ganu’n talaga.”
Ang ginawa ng OPM artist, hinimas ang braso ng executive at kumandong dito, sabay dialogue ng, “’Kung alam ko lang na papahubarin mo ako sana nag-shave ako. Saka nandiyan ang nanay ko, dapat sinabi mo.’”
“I already knew nagalit siya sa akin. Minura ako. Ang dating sa akin, in their eyes, the powerful people, I’m a diva.
“Dahil hindi ako nagpapasundo every Thursday. Nagbibigay ng cash, ibinabalik ko. So, ang dating sa kanila, e, ingrata ako or whatever. But I know in my heart it’s not that,” rebelasyon pa ni Tootsie.
Pero sey ni Tootsie, kahit nasa Amerika na siya hindi pa rin niya kinalimutan ang pagkanta, “I just told myself I’m gonna put a pause because I don’t agree with the environment.
“I’m gonna reinvent and create my life as Emma,” sey ni Tootsie. Emma ang tunay niyang pangalan.
“Kasi itinanim ko sa utak ko, first, if a lot of dirty old men, for lack of a better word, old men, are going after me, that means may hitsura ako.
“Alam ko hindi naman ako pangit. Hindi ako mestiza tulad ng ibinabahay nila and that’s not the life that I want.
“Ang itinanim ko sa utak ko, nagkandahirap ako makapagtapos ng pag-aaral, hindi naman ako pangit. I came from a good family. Kapos man sa pera, but that’s not the life I want,” ani Tootsie.
Sa ngayon, isa nang real-estate agent at healthcare and hospital executive si Tootisie sa Amerika. Paminsan-minsan ay nagpe-perform pa rin sa mga concert sa US para sa Filipino community doon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.