Relasyon nina Geneva Cruz at Jeffrey Hidalgo totohanan na nga ba?
PANAY ang tanggi ng singer na si Jeffrey Hidalgo sa tanong namin kung sila na ni Geneva Cruz na nakasama niya noon sa grupong Smokey Mountain.
Sa nakaraang summer campaign launch ng Vivamax ay kinorner namin si Jeffrey na nagdidirek na rin ngayon at isa na nga rito ang pelikulang “Eva” kung saan pinag-uusapan ang threesome scene nina Marco Gomez, Saab Aggabao at Angeli Khang.
Ang dami kasing pictures nina Jeff at Geneva sa kani-kanilang social media account kaya pagdududahan talagang may relasyon sila.
“Ha-hahaha! Natutuwa lang kami kasi nga maraming nagtatanong, kaya sabi ko okay pakiligin natin, e, maganda naman, maraming may gusto,” tugon ng singer-actor at direktor.
View this post on Instagram
Parehong single ang dalawa kaya bakit hindi na lang sila, “Magkaibigan kasi kami!”
Pero aminado siyang maraming boto sa kanila ni Geneva kabilang na ang producer niya sa mga pelikula niyang si Lou Gopez.
Samantala, maraming projects si Jeffrey sa Vivamax bilang aktor kaya nagpapasalamat siya kina boss Vic, Vincent at Val del Rosario dahil lagi siyang may ginagawa.
“Ang kontrata ko kasi sa Viva hindi lang singer kundi pati pagdidirek at acting din kaya sa awa ng Diyos, marami naman akong ginagawa,” saad ni Jeffrey.
* * *
Lahat ng tatlong pelikulang Pilipinong lumahok sa In Competition category sa 19th Asian Film Festival (AFF 19) ay nagwagi ng major awards sa seremonyang ginanap onsite sa Rome, Italy noong Abril 7 hanggang 13, 2022. Kasama sa delegasyon ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) ang limang pelikulang Pilipino sa AFF 19 kabilang ang pinagpipitaganang direktor at Lifetime Achievement Awardee, Brillante Mendoza.
Ang mga premyadong pelikulang nabanggit ay napili ng AFF upang itanghal sa festival para sa taong ito. Sa ilalim ng seksyon ng In Competition ay ang “Big Night” ni Jun Lana, “Resbak” ni Brillante Mendoza, at “On the Job: The Missing 8” ni Erik Matti; habang ang “Gensan Punch” ni Mendoza at “The Brokers” ni Daniel Palacio ay lumahok sa Out of Competition at Newcomers’ section.
Dalawang aktor, sina Vince Rillon ng “Resbak” at si Christian Bables ng “Big Night” Ay kapwa tumanggap ng Best Actor award samantalang ang “On the Job: The Missing 8” naman ni Erik Matti ay nagwagi ng Best Film.
Para sa mga organizer ng festival, ang Best Film awardee na “On the Job” ay isang obra, “On the Job was filmed with mastery, with unique sequence plans, and a soundtrack that often goes in line with the dramaticness of situations, this opera has an overwhelming lining and gives us a little-known portrait of this part of the east.”
Sa pamamagitan ng programang Spotlight: Philippines ng FDCP, kabilang sina Direktor Brillante Mendoza at bidang Vince Rillon ng pelikulang Resbak sa kumatawan sa bansa sa pagdiriwang na ginawa sa Italy sa muling pagbubukas ng festival para sa onsite physical event.
Bukod sa pagpapalabas ng mga pelikula ni Mendoza, ang batikang direktor ay pinarangalan din ng prestihiyosong Lifetime Achievement Award doon para sa kaniyang di mapapantayang ambag sa pagsusulong ng “Philippine New Wave” sa sining ng pelikula.
Pahayag ni FDCP Chairperson at CEO Liza Diño, “We are grateful to not only be honored with these awards but by having this chance to promote these Filipino films—films that we are proud of—in established platforms such as the Asian Film Fest.
“This stellar line-up of masterpieces from our esteemed filmmakers are ready to take on the world. And of course, to Direk Brillante Mendoza, Direk Erik Matti, Vince Rillon, and Christian Bables who have been championing PH Cinema everywhere they go, we are extremely proud of you.”
“The Lifetime Achievement Award from the Asian Film Festival, a prestigious international film festival known for showcasing auteur cinema from Southeast Asian countries, is a significant achievement not just for Direk Brillante Mendoza as a filmmaker, but also for Philippine Cinema. His valuable contributions through his films has helped the Philippines gain traction in the international scene,” dagdag pa ni Diño
https://bandera.inquirer.net/298594/jeffrey-hidalgo-nagpaka-wild-na-rin-bilang-direktor-angeli-khang-tumodo-na-sa-paghuhubad
https://bandera.inquirer.net/309869/geneva-cruz-pa-yummy-pa-rin-sa-edad-na-46-ibinandera-ang-sikreto-sa-batang-batang-itsura
https://bandera.inquirer.net/298939/eva-ni-jeffrey-hidalgo-sex-kung-sex-ang-laban-ipalalabas-sa-mismong-christmas-eve
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.