Marco Gumabao, Kylie Verzosa hindi pa nagiging magdyowa, mag-ex na agad...anyare? Bandera

Marco Gumabao, Kylie Verzosa hindi pa nagiging magdyowa, mag-ex na agad…anyare?

Ervin Santiago |August 07,2022
share this

Marco Gumabao, Kylie Verzosa hindi pa nagiging magdyowa, mag-ex na agad…anyare?

Ervin Santiago - August 07, 2022 - 06:40 AM

Marco Gumabao at Kylie Verzosa

SHOOKT ang sexy hunk actor na si Marco Gumabao nang mabasa ang script ng bago niyang pelikula sa Viva Films, ang “Baby Boy, Baby Girl” kung saan muli niyang makakatambal si Kylie Verzosa.

Tungkol sa “sugar dating” ang kuwento ng pelikula na ididirek ni Jason Paul Laxamana kung saan involved ang mga taong rumaraket online na ang target ay mga mayayamang DOM at matrona o ang mas kilala sa tawag na “sugar daddy” at “sugar mommy”.

Kuwento ni Marco sa storycon ng “Baby Girl, Baby Boy”, na-excite at na-curious siya nang mabasa ang kuwento ng pelikula kaya naman talagang agad niyang tinanggap ang offer ng Viva.

Natuwa rin ang binata dahil  makakatrabaho niya uli si Direk John Paul plus the fact na si Kylie uli ang magiging leading lady niya sa movie.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Marco Imperial Gumabao (@gumabaomarco)


“Pagkabasa ko ng script, magka-text kami ni Kylie that time, nagulat ako na ganoon ang tema ng pelikula.

“Nakakatuwa kasi as we all know, sa mundo ngayon, maraming mga ganyan. It’s a real situation which is happening in our world right now.

“So, nu’ng binabasa namin, nakakatawa. At the same time, nakaka-excite kasi we can also put ourselves in the shoes ng sugar babies.

“Kung paano tumatakbo ang mundo nila at kung paano sila nakikipagtransaksyon sa mga sugar daddies o sugar mommies nila. Nu’ng nabasa ko, very excited at very shocked, sa totoo lang,” pahayag ni Marco.

Samantala, parehong single ngayon sina Marco at Kylie kaya naman tinukso sila ng ilang members ng press na baka this time, sa shooting nila ng “Baby Boy, Baby Girl” ay magkadebelopan na sila.

Tumawa muna ang aktor sabay sabing, “This is like our 6th or 7th project. I think out of those six or seven projects, more than half mag-ex din ang role namin.

“Kumbaga, hindi pa kami nagiging kami, mag-ex na agad kami, so pinangunahan na namin yung projects namin.

“But kidding aside, kami ni Kylie, we formed a friendship nung nanalo siya na Miss International. I mean, sobrang close namin ni Kylie, and career siyempre muna. Importante, career muna.

“Si Kylie, very hot ngayon, so I’m sure career lang talaga ang focus niya sa buhay,” sabi ng aktor.
Sabi ni Direk Jason, anytime this week ay sasabak na sila sa lock-in shoot sa Pampanga para sa “Baby Boy, Baby Girl” kaya wait na lang tayo kung magkainlaban nga ang dalawa niyang bida pagkatapos kunan ang pelikula.

Kylie bilib sa mga sex scenes ni Jake sa pelikula: Gusto ko ring maging katulad niya!

KC umaming certified Sharonian: I am her biggest fan, ang galing lang talaga niya!

Derek pinagbayad daw ng utang si Ellen: Love, salamat sa paluwal, alam mo naman wala pang ayuda

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending