Lagot sa legal wife: Matulis na aktor may 2 kabit, niregaluhan pa ng bahay ang isang 'sugar baby' na aktres | Bandera

Lagot sa legal wife: Matulis na aktor may 2 kabit, niregaluhan pa ng bahay ang isang ‘sugar baby’ na aktres

Reggee Bonoan |August 02,2023
facebook
share this

Lagot sa legal wife: Matulis na aktor may 2 kabit, niregaluhan pa ng bahay ang isang ‘sugar baby’ na aktres

Reggee Bonoan - August 02, 2023 - 09:19 AM

Lagot sa legal wife: Matulis na aktor may 2 kabit, niregaluhan pa ng bahay ang isang 'sugar baby' na aktres

Guess, guess, who!? Magets n’yo kaya kung sinu-sino sila?

TRULILI kaya na ang bagong apple of the eye ngayon ng kilalang aktor ay isang aktres na nagsimula sa pagpapa-sexy para madaling makilala na nangyari naman?

Base sa sitsit ng aming source ay matagal na ang dalawa pero ingat na ingat na malaman ng publiko. Hindi sila napagkikitang lumabas dahil baka makilala sila ng mga Marites, at  makarating ito sa wifey ng kilalang aktor.

Yes, taken na si kilalang aktor kaya sobrang ingat nila ng kanyang apple of the eye na aktres dahil kapag nalaman ito ng asawa niya ay tiyak na mae-eject siya sa bahay nila bagay na ayaw naman niyang mangyari dahil mahal niya ang pamilya niya.

Balik-tanong namin sa aming source ay hindi ba masakit sa tenga ang katwiran ng kilalang aktor na ayaw niyang mahiwalay sa kanyang wifey lalo’t may anak sila.

Baka Bet Mo: Francine Diaz: May third eye ako pero ngayon wala na, nagsarado na siya

Kaya raw pala itong si apple of the eye actress ay kung anu-ano ang hinihingi sa kilalang aktor para hindi siya mainip kapag nasa bahay lang siya at hindi sila nagkikitang dalawa.

“Simple lang hiningi ni ____ (aktres) bahay. Ha-hahaha!” tumawang sabi ng aming source.

Kasi pala, ito ang ultimate dream ng aktres kaya siya nag-showbiz – para makabili ng sariling bahay, e, kulang pa raw ang ipon niya.

Dagdag pa ng aming source, “Yari ‘yan (kilalang aktor) kapag nalaman ni ____ (isa uling aktres) dahil may kahati na siya.

Nalito kaming bigla. Dalawa pala ang apple of the eye ng kilalang aktor plus the wifey!?

“Naku, hindi lang dalawa, marami pa!” sabi ulit sa amin.

Wow! Ang tindi pala ng kilalang aktor, now lang namin nalaman.

Aktor wala nang balak balikan ang mag-ina, busy sa bagong ‘apple of the eye’?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Aktres na may bagong series, bagong apple of the eye ng mayamang negosyante

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending