Wilbert Ross thankful sa proyektong ‘Boy Bastos’, tatalikuran na nga ba ang pagpapa-sexy?
MUKHANG titigil na si Wilbert Ross sa pagpapa-sexy dahil ang latest online series niyang ginawa ay ang “Ang Lalaki sa Likod ng Profile” na napapanood ngayon sa YouTube channel ng Puregold.
Kasama ng dating Hashtag member ang Tiktok star na si Yukii Takahashi bilang leading lady na napapanood din sa “FPJ’s Batang Quiapo” bilang love interest ni McCoy de Leon.
Thirteen episodes ang “Ang Lalaki sa Likod ng Profile” at umere na hanggang episode 5 mula sa direksyon ni Victor Villanueva.
Going back to titigil na si Wilbert sa pagpapa-sexy ay inamin niyang, “Walang sexy ito kahit konti.” Nakausap ang aktor sa ginanap na PUREGOLD 25th anniversary and 11th Aling Puring Sari-sari Store Negosyo Convention na tatagal hanggang bukas, Mayo 20 sa World Trade Center.
Mas nakilala kasi ang binata bilang hashtag member pero nang mawala na ang grupo sa “It’s Showtime” ay pinasok na niya ang pag-arte. Pumirma siya sa Viva at nabigyan naman siya ng sunud-sunod na projects na ipinalalabas sa Vivamax na pawang naughty characters at nagpapakita ng skin.
Pero dahil sa pagpapa-sexy ni Wilbert ay ito ang naging daan niya para mapansin siya ng Puregold creative director at marketing director.
Kaya tiyak na maninibago ang supporters ng Hashtag member sa “Ang Lalaki sa Likod ng Profile” dahil topless lang siya at wala nang iba pang pa-sexy.
Kuwento ni Wilbert sa panayam ng media, “Nakakatawa, nakuha ako because of Boy Bastos talaga. Kasi napanood ni Direk Chris Cahilig (executive producer) at ni Miss Ivy (Piedad) ng Puregold, na marketing napanood nila yung Boy Bastos at tawang-tawa sila sa akin.
“Kaya as in way, way back pa ito, e. Matagal na nila akong miniting. Tapos ayun, kinuha nila ako because of that. Kaya sobrang thankful ko sa Boy Bastos at sa Vivamax dahil sa opportunity, na-launch ako sa project na yun.”
Si Wilbert na rin ang nagsulat at kumanta ng theme song ng “Ang Lalaki sa Likod ng Profile” na ang titulo ay “Sasabihin Ko Na”.
“Sinulat ko siya nu’ng second day na nagte-taping kami noon… Bigla ko lang siyang naisip. Bigla ko siyang nagawa, and then saktung-sakto, hindi pa nagagawa iyong Episode 7 pataas na script.
“Tapos parang sinabi ko kay Direk (Victor) na, ‘Direk, baka puwede itong ilagay sa scene na ito.’ Nailagay naman.
Baka Bet Mo: Wilbert Ross aminadong ‘late bloomer’ sa sex: 19 years old ako, doon ko na-explore ang ganda ng mundo
“Ayun, sobrang happy ako. And sobrang involved ko din, I think, dito sa series na ito na may mga parts ng series na ito na talagang sobrang collab kami ni Direk.
“Nagtatanong si Direk Victor sa akin kung paano, ano ang magandang gawing eksena ganyan-ganyan,” kuwento ni Wilbert.
Dati na kasing nagka-work sina direk Victor at ang binata sa “Boy Bastos” ng Vivamax kaya kapado na nila ang isa’t isa kaya naging magaan ang lahat sa set ng “Ang Lalaki sa Likod ng Profile”.
Opinyon ni Wilbert, “Kaya parang gusto kong maglagay na parang ano, e… parang impression na pag si Victor Villanueva at si Wilbert Ross, e, nagsama, it’s gonna be good! Parang ganun. Kaya pag nagsama kami, talagang open na open kami sa isa’t isa.”
Samantala, may chemistry naman ang binata sa leading lady na si Yukii base na rin sa napanood naming episodes ng series nila at sa ginanap na mediacon ay kinikilig ang mga namimili sa World Trade Center habang pinanonood ang dalawa lalo na ng kinanta ng aktor ang theme song.
Sabi nga ni Yukii, “okay naman si Wilbert, mabait.”
Sagot naman ng aktor, “as a person magkasundo kami, maayos kami sa set.”
Kasama rin nina Wilbert at Yukii sa series sina Kat Galang, Migs Almendras, Marissa Sanchez, Star Orjaliza, Moi Marcampo, TJ Valderrama, at Anjo Resurreccion.
Related Chika:
Wilbert Ross sinabing ‘friend’ lang ang tingin kay Zeinab, Xian walang dapat ipagselos?
Wilbert Ross, Yukii Takahashi bibida sa digital show na ‘Ang Lalaki sa Likod ng Profile’
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.