Wilbert Ross sinabing 'friend' lang ang tingin kay Zeinab, Xian walang dapat ipagselos? | Bandera

Wilbert Ross sinabing ‘friend’ lang ang tingin kay Zeinab, Xian walang dapat ipagselos?

Reggee Bonoan |December 26,2022
facebook
share this

Wilbert Ross sinabing ‘friend’ lang ang tingin kay Zeinab, Xian walang dapat ipagselos?

Reggee Bonoan - December 26, 2022 - 07:46 PM

Wilbert Ross sinabing 'friend' lang ang tingin kay Zeinab, Xian walang dapat ipagselos?

WALA naman palang dapat ipagselos si Xian Gaza sa dating miyembro ng Hashtag na si Wilbert Ross dahil ipinagdiinan nitong magkaibigan lang sila ng influencer na si Zeinab Harake.

Ito ang inamin sa amin ni Wilbert nang maka-tsikahan namin siya sa 1st anniversary ng Hey, Pretty Skin products at 4th anniversary naman ng Hey Pretty Skin Aesthetic Center nap ag-aari ni Anne Barretto.

“We’re friends and constant kaming nagkukumustahan at we care for each other, pag kailangan namin ang isa’t isa, nandiyan kaagad kabi,” ito ang paniniguro ni Wilbert.

Hindi naman itinanggi ng singer/actor na nagkikita talaga sila ni Zeinab kapag pareho silang may free time tulad sa nakaraang lunch date nila na pinagselosan ni Xian at napangiti lang si Wilbert dito.

Hiningan din namin ng reaksyon si Wilbert na nagkakasama sina Zeinab at Xian sa ibang bansa na nagsa-shopping at nag-iinuman.

“Well, may kanya-kanyang friends siya, meron din ako alam ko rin naman lahat ‘yun,” kaswal na reaksyon ng binata.

Paano ang pagsasabi ng ‘I love you’ sa isa’t isa nina Xian at Zeinab.

“For sure friendly-friendly lang naman ‘yun. Saka friendly talaga si Zeinab saka personal na niya ‘yun hindi ko pinanghihimasukan nap ag mga ganu’n bagay,”diin ni Wilbert.

Napag-usapan din kung nag-open up si Zeinab kay Wilbert sa panahong nasangkot ito sa gulo sa kapwa vlogger at talent manager.

“Hindi naman kasi I believe at that time kailangan niya ng space. Ang ginawa ko na lang ay binigyan ko siya ng mga encouragement words.

Anyway, maraming fans sina Zeinab at Wilbert na gustong maging sila na lang dahil bagay sila at iisa ang interest din nila.

“Happy naman ako kasi they support us for that lalo na ‘yung music video na ginawa namin. Basta ‘wag lang siguro ang pressure hindi ko alam kung saan ito mage-end pero sana walang pressure. Kami kasi ni Zeinab kapag may mga pressure na ganyan naiilang na tuloy kami.

“Kasi kapag lagi kaming magkasama may mga isyu, may nasasaktan kaya pag ganyan umiiwas kami,” paliwanag mabuti ni Wilbert.

Samantala, happy si Wilbert dahil ang init ng reaksyon ng tao sa kanya habang sinasayawan niya ang mga bisita ni Ms Anne sa nakaraang anibersayo ng Hey Pretty Skin at Hey Pretty Aesthetic Center.

“Oo nga, eh, nagulat ako sa tao nu’ng yayain ko silang sumayaw sobrang sayawan talaga, pagbaba ko nga ng stage daming naglapitan nagpa-picture, ha, ha, ha. Pag mga ganitong event ang sarap-sarap mag-perform,” masayang sabi ni Wilbert.

* * *

Teary-eyed naman si CEO Anne Barretto sa ginanap na Christmas party at ika-apat na anibersaryo ng Hey, Pretty Skin Aesthetic Center at unang anibersaryo ng Pretty Skin products niya dahil ang daming struggles ang inabot bago niya nabuo at nang gumanda na ang takbo nito ay na-share niya ito sa sa mga taong hindi siya iniwan habang dumaan siya sa pagsubok.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Wilbert Ross (@itswilbertross)

“Hindi pala madali, akala ko kapag brand owner ka since owner ako at may clinic ako na kaya ko mag marketing at maraming nagsabing magaling ako sa marketing at may mga awards.

“Pero dumating ako sa point na sobra akong na-down at alam ito ng mg aka-close ko akala ng iba porket maraming pera sapat na hindi pala ganu’n. Ako as a CEO hindi pala ganu’n kadali, pero nagpapasalamat ako kasi marami akong natutunan.

Kaya sobrang na-appreciate ko ang gift nyo sa akin, thank you so much sa nagpunta rito mula sa Mindanao, Visayas at Luzon, sa mga distributors, friends na talagang nag=effort para pumunta (lumuwas ng Manila). Kahit napakalayo pa mula Basilan ay talagang pumunta sila, sa Visayas at sa NCR.

“Ito kasing party na itong Hey, Pretty Skin ay para sa anibersaryo nating lahat lalo’t ilang taon na tayong nagpapaganda sa mga clients natin. Actually, malayo pa ang tatakbuhin ng ating brand,”pahayag ni Ms Anne kasama ang asawa’t anak sa stage.

 

Related Chika:
Wilbert Ross sinabing importante ang sex education: Lalo na medyo mataas ang ating teenage pregnancy

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hashtag Wilbert Ross game na game sa sex scenes pero hindi pa kayang magpakita ng ‘pototoy’

Ex-Hashtag member Wilbert Ross todo depensa kay AJ Raval: Stay strong lang!

Wilbert Ross aminadong ‘late bloomer’ sa sex: 19 years old ako, doon ko na-explore ang ganda ng mundo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending