Ex-Hashtag member Wilbert Ross todo depensa kay AJ Raval: Stay strong lang! | Bandera

Ex-Hashtag member Wilbert Ross todo depensa kay AJ Raval: Stay strong lang!

Ervin Santiago |December 16,2021
facebook
share this

Ex-Hashtag member Wilbert Ross todo depensa kay AJ Raval: Stay strong lang!

Ervin Santiago - December 16, 2021 - 07:44 AM

AJ Raval at Wilbert Ross

TODO tanggol ang bagong leading man ng kontrobersyal na sexy actress na si AJ Raval na si Wilbert Ross na dating member ng grupong Hashtags.

Bibida ang dalawa sa pinakabagong sexy at romantic comedy film ng Vivamax, ang “Crush Kong Curly” na idinirek ni GB Sampedro.

Sa nakaraang virtual mediacon ng pelikula kamakailan, ipinagtanggol nga ni Wilbert ang kanyang leading lady sa mga taong patuloy na nangnenega at nambabastos sa dalaga dahil sa sunud-sunod na kontrobersyang kinasangkutan nito.

“My word for people na dyina-judge like AJ at lalo na sa ibang mga tao diyan na dyina-judge ng publiko, stay strong tapos huwag mo masyado dibdibin lahat. 

“Kasi kilala natin yung sarili natin at kung ano tayo. Hindi natin kailangan i-prove yung sarili natin sa ibang tao kasi alam natin mismo sa sarili natin at alam ng mga tao sa paligid natin, mga pamilya and friends, kung ano tayo at ano ang worth natin sa mundo,” chika ng binata.

Nagbigay din ng mensahe si Wilbert sa lahat ng mga bashers na walang patumanggang manlait at mang-judge sa mga celebrities.

“Ang masasabi ko lang sa mga judgmental na tao, minsan kasi nagiging hobby na siya to judge people. Siguro hindi sa kanila dapat yung pagsasabihan kasi parang yung tao hindi na sila napipigilan talaga. 

“Kahit anong sabihin mo, sarado yung utak nila. In short, yung mga ganyang tao yun talaga ginagawa nila, manira, kung anu-anong sinasabi,” paliwanag pa ni Wilbert.

View this post on Instagram

A post shared by Wilbert Ross (@hashtag_wilbert)


Samantala, nang matanong naman ang “Crush Kong Curly” lead actor about his lovelife, “Wala po akong girlfriend kasi ayoko na maglaro as much as possible. Kumbaga tapos na ako sa phase na yun. 

“Ako kasi kapag may nami-meet akong tao, tapos napi-feel ko na parang hindi kami ka-vibes so parang hindi siya magwo-work, hindi ko na pinapatagal. Pinuputol ko agad. 

“Kasi alam natin sa panahon ngayon sa pandemic, malaking bagay yung inspired ka. Alam mo yun. Like in love ka tapos parang inspired ka everyday. Parang ganu’n. I don’t want to waste my time sa taong alam kong hindi ko mabibigay lahat,” aniya pa.

Mapapanood na ang “Crush Kong Curly” sa Vivamax simula sa Dec. 17 kung saan makakasama rin nina AJ Raval at Wilbert Ross sina Chad Kinis, Maui Taylor, Jao Mapa at Gina Pareño. 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

View this post on Instagram

A post shared by Wilbert Ross (@hashtag_wilbert)

AJ Raval napaiyak sa presscon: Hindi ako nagsinungaling pero na-judge pa rin ako…

Wilbert pumalag sa patutsada ni Ethel; friendship ba o trabaho ang pipiliin?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending