Hashtag Wilbert Ross game na game sa sex scenes pero hindi pa kayang magpakita ng 'pototoy' | Bandera

Hashtag Wilbert Ross game na game sa sex scenes pero hindi pa kayang magpakita ng ‘pototoy’

Ervin Santiago |February 17,2022
facebook
share this

Hashtag Wilbert Ross game na game sa sex scenes pero hindi pa kayang magpakita ng ‘pototoy’

Ervin Santiago - February 17, 2022 - 01:23 PM

Wilbert Ross, Rose Van Ginkel at Jela Cuenca

GAME na game sa mga sex scenes ang Hashtag member na si Wilbert Ross at pinatunayan niya ito sa bagong Vivamax original movie na “Boy Bastos”.

In fairness, talagang sinuswerte si Wilbert ngayon sa kanyang career dahil pagkatapos ng launching movie niyang “Crush Kong Curly” kasama si AJ Raval ay heto’t may bago na naman siyang project.

Makakasama ni Wilbert sa “Boy Bastos” ang mga palaban ding sexy stars ng Viva Artists Agency na sina Rose Van Ginkel, Jela Cuenca with Andrew Muhlach, Bob Jbeili at Rob Guinto, mula sa direksiyon ni Victor Villanueva.

Ayon kay Wilbert, nang mabasa niya ang script ng “Boy Bastos” ay  nagustuhan niya agad ang kuwento at hindi rin siya nagdalawang-isip na gawin ang mga love scene lalo pa’t kailangang ipinakita sa pelikula ang mga ginagawa ng isang batang lalaki na sabik sa sex.

“Hindi ko po maayawan kasi ang ganda po ng script. Hindi naman po siya bastos kapag napanood niyo ang movie dahil sexy comedy film naman po siya at magaling si Direk,” paliwanag ni Wilbert.

Isang “coming of age” ang movie kaya may mga eksenang  kailangang ipakita ni Wilbert ang hubad niyang katawan.

“Ginawa ko na po rito yung makakaya ko. Ipinakita ko na po sa ‘Boy Bastos’ ang aking puwet. Hindi lang po isang eksena, kung anu-ano pa,” sabi pa ng aktor at singer.

At sa tanong kung ready ba siyang mag-frontal nudity sa susunod niyang mga pelikula sa Vivamax, “Naku! Hindi po! Hindi ko pa po kaya! Hindi pa po talaga!” 

View this post on Instagram

A post shared by Boy Bastos (@hashtag_wilbert)


* * *

Ano nga kaya ang mangyayari kapag nagsama ang isang malib*g na teenager at sexy teacher sa iisang bahay? Iyan ang tema ng bagong coming-of-age comedy film ng Viva Films, ang “Boy Bastos” na ibinase sa isang internet sensation noong early 2000s.

Si Felix (Wilbert) ay binansagang “Boy Bastos” sa kanilang eskwelahan. Isa siyang malib*g pero virgin na mahilig mag-drawing ng kabastusan sa kanyang notebook. 

Si Cathy (Jela Cuenca) naman ay ang kanyang girlfriend na handa nang ibigay ang kanyang virginity sa kanyang nalalapit na birthday. Hindi niya talaga type si Cathy, kaya naman mahihirapan siyang ma-arouse nang subukan nilang mag-sex.

Makikilala naman ni Felix si Katey (Rose Van). Siya ang Substitute Teacher nila sa Biology, na nagkataong magiging housemate niya pala. Ipapaalala ni Katey na wala dapat makaalam sa campus na sa iisang bahay lang sila nakatira. 

Unti-unti ay mahuhulog ang loob ni Felix kay katie na siyang magiging teacher niya sa life at sa sex 101. 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mapapanood na sa Vivamax simula sa Feb. 18 ang “Boy Bastos”.

Wilbert Ross aminadong ‘late bloomer’ sa sex: 19 years old ako, doon ko na-explore ang ganda ng mundo

Hashtag Nikko kinampihan si Arjo: Ate masama magpakalat ng fake news baka magsara ang…

Aljur pinasok ang online selling; Vice may banat sa mga ‘bastos’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending