Gab Lagman, Wilbert Ross pa-wholesome na, ayaw nang maghubad? | Bandera

Gab Lagman, Wilbert Ross pa-wholesome na, ayaw nang maghubad?

Ervin Santiago - July 29, 2024 - 12:05 AM

Gab Lagman, Wilbert Ross wholesome na, ayaw nang maghubad?

Hyacinth Callado, Gab Lagman at Wilbert Ross

IWAS muna sa paggawa ng mga sexy at daring movie para sa Vivamax sina Gab Lagman at Wilbert Ross.

Management decision daw ang pagpapaka-wholesome ng dalawang Viva Artists Agency talents pero hindi pa rin naman daw nila isinasara ang pinto sa paggawa ng sexy projects lalo na kung maganda naman ang material.

Kung hindi kami nagkakamali, isa pa lang naman ang ginawang sexy movie ni Gab para sa Vivamax, ang “Bula” kung saan nakasama niya ang palabang sexy actress na si Ayana Misola. At hindi na nga ito nasundan pa.

Baka Bet Mo: Payo ni Gab Lagman sa mga nabu-bully sa school: Stand up for yourself, always ask for help

Kasunod nga nito ay napasama si Gab sa first book ng youth-oriented university series na “The Rain in España” (na isinulat ni Gwy Saludes) starring Marco Gallo and Heaven Peralejo. Ka-partner niya rito ang isa pang VAA talent na si Hyacinth Callado.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Sinundan ito ng second book na “Safe Skies Archer” kung saan bumida naman sina Jerome Ponce at Krissha Viaje. At sa third book nga titled “Chasing in the Wild” sina Gab at Hyacinth naman ang eeksena.

Makakasama rin dito si Wilbert bilang additional character sa kuwento kung saan ang makakatambal naman niya ay si Bea Binene.

Sa naganap na grand mediacon ng “Chasing in the Wild” nitong nagdaang Biyernes, July 26, natanong nga sina Gab at Wilbert kung tuluyan na nilang iiwan ang pagpapaseksi dahil pa-wholesome na nga ang image nila ngayon.

“For now naman po, me and the management talked about this na we should focus on university series.

“But, of course, we’re not closing the door to do movies like that. Pero as of now, we want to focus on being Sevi Camero,” sabi ni Gab na ang tinutukoy ay ang role niya sa naturang university series na napapanood sa streaming app na Viva One.

Ayon naman kay Wilbert na marami-rami nang nagawang sexy movies sa Vivamax, “Management mismo yung nag-decide for me to stop nga sa Vivamax and mag-focus sa wholesome.

Baka Bet Mo: Vivamax bombshell Rob Guinto sa mga nanghuhusga sa kanya bilang sexy star: Sabihin na nila lahat ng gusto nila…

“Medyo relief kasi merong bigat. Hindi po talaga madali to do things like sex scenes, lalo na parang wholesome naman ako sa totoong buhay.

“Hindi po siya madali talaga. Nakakapagod siya sa katawan, sa utak. Dito po sa mga wholesome na project, medyo mas magaan na po siguro in terms sa work na ginagawa,” aniya pa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Gab Lagman (@gablagman)


Samantala, mahigit sa 650 million na ang reads sa Wattpad ng The University Series ni Gwy Saludes at matapos ang matagumpay na adaptation ng “The Rain in España” at “Safe Skies, Archer”, siguradong sabik na ang fans sa ikatlong libro.

Ito nga ang “Chasing in the Wild” na mapapanood na simula August 16 sa Viva One.

Mula sa direksyon ni Thop Nazareno (direktor ng Edward na nagwagi ng Best Film sa Young Critics Circle Awards at TV5 series na Niña, Niño), tampok dito ang tambalang Gab Lagman at Hyacinth Callado bilang sina Sevi at Elyse.

Sa kwento, mapatutunayan ngang “opposites attract” nang makilala ni Sevi Camero, ang simple at kalog na engineering student at basketball team captain, si Elyse Ledezma, ang mayaman at spoiled na management student at cheerleader ng isang kalabang eskwelahan.

Mula asaran na napunta sa friendly breakfast dates hanggang umabot sa limang taong relasyon na puno ng pagmamahal, susundan natin ang lahat ng tawa’t iyak at mga milestone ng kanilang pagsasama.

Pero sa pagtanda ng dalawa nang magkasama, kakayanin ba ng kanilang pag-ibig ang mga realidad ng buhay?

Ang cast ng “Chasing in the Wild” ay binubuo nina Dominic Ochoa at Angelu de Leon bilang mga magulang ni Elyse na sina Alfred Ledezma at Adriana Erin Ledezma, si Jairus Aquino bilang si Shan na half-brother ni Elyse, si Wilbert Ross bilang si Arkin na bestfriend ni Sevi.

Kasama ring magpapakulay ng buhay nina Elyse at Sevi sina Anjo Yllana, PJ Abellana, Yumi Garcia, at Keann Johnson. At siyempre, magbabalik ang buong Univerkada para suportahan ang love story nina Elyse at Sevi.

Pero bago natin subaybayan ang pagmamahalan nina Elyse at Sevi, silipin ang mga paghahanda ng team para makagawa ng isang kaabang-abang na series. Mula exclusive interivews hanggang mga “behind-the-scenes” ng acting workshop nila, cheerdance training, pictorial at marami pang iba.

Samahan sina Gab at Hyacinth sa kanilang paghahanda. Ang “Let the Chase Begin” ay isang special pre-season episode na ipapalabas sa August 2, 2024 exclusive sa Viva One.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

‘Wag pahuhuli sa pag-stream ng “Chasing in the Wild” sa Viva One simula sa August 16, 2024, at susundan ng bagong episode tuwing Biyernes.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending