Wilbert Ross lumusong sa baha para iligtas ang paboritong sasakyan
GRABE ang naramdamang takot at pag-alala ng actor-singer na si Wilbert Ross habang humahagupit sa Metro Manila ang super typhoon Carina na sinabayan pa ng habagat.
Kuwento ni Wilbert, inabutan daw siya ng napakalakas na ulan at matinding pagbaha sa isang gym somewhere in Metro Manila.
Sa naganap na presscon ng Viva One para sa ikatlong book ng University series ni Gwy Saludes, ang “Chasing in the Wild” kung saan isa sa cast members si Wilbert, naikuwento nga ng aktor ang naranasan habang nanalanta ang bagyong Carina.
Baka Bet Mo: Jake nakaranas ng matinding trauma dahil sa naranasang ‘car chase’ last year: Pero napakaswerte ko pa rin!
Ayon may Wilbert, nang magtungo siya sa gym, ay wala pa raw baha at hindi pa ganu’n katindi ang pag-ulan pero makalipas ang ilang oras ay hindi pa rin ito humihinto.
Ito raw ang unang pagkakataon na napilitang lumusong sa baha ang binata upang mailigtas ang kanyang sasakyan. Nakitaw raw kasi niyang malapit nang pasukin ng tubig ang kotse niya.
View this post on Instagram
“Pumunta ako ng gym. Hindi ko in-expect na grabe yung ulan. Umalis ako hindi pa gaano.
“Nabigla na lang ako, yung sasakyan ko malapit na yung baha pumunta sa loob. So kahit malakas ulan nagmadali ako lumabas at dinala ko sa area na medyo safe,” ang pahayag ni Wilbert nang makausap ng ilang members ng press sa mediacon ng “Chasing in the Wild” last Friday.
“I was stranded. Hindi kasi natin alam madadaanan natin baka malalim. Never ako naka-experience pa. Sa Davao never ko po naranasan.
“So takot na takot ako. Habang nagwo-workout, iniisip ko baka wala na ako mababalikan na sasakyan,” aniya pa.
Aniya, may sentimental value raw kasi sa kanya ang naturang sasakyan, “First car ko pa naman iyon. 2022 lang binili.”
Samantala, mapapanood na ang “Chasing in the Wild” nina Wilbert, Gab Lagman at Hyacinth Callado simula sa August 16 sa streaming app na Viva One. Kasama rin dito sina Jerome Ponce, Krissha Viaje, Bea Binene, Jairus Aquino at marami pang iba.
Ka-join din dito sina Dominic Ochoa, Angelu de Leon, Anjo Yllana, PJ Abellana, Yumi Garcia at Keann Johnson.
Streaming na ang “Chasing in the Wild” sa Viva One simula sa August 16, 2024, at susundan ng bagong episode tuwing Biyernes.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.