Heaven ibinuking si Marco sa harap ng press: ‘Kaya niyang kainin…’
LAUGH trip and hatid ng magdyowang Heaven Peralejo at Marco Gallo sa naganap na presscon ng “Uni Love Squad” kamakailan sa Viva Café, Cubao, Quezon City.
Bilang bahagi ng The University Series ng Viva One, binigyan ng bonggang pa-mediacon ng Viva Artists Agency ang tinaguriang Uni Love Squad (University Love Squad), ang tatlo sa mga promising loveteam ngayon.
Ang unang tatlong Uni Love Squad ay kinabibilangan ng MarVen (Marco Gallo at Heaven Peralejo), KrisshRome (Krissha Viaje at Jerome Ponce), at HyGab (Hyacinth Callado at Gab Lagman). Sila ang ginu-groom ngayon ng VAA bilang mga susunod na leading ladies at leading men ng kasalukuyang
henerasyon.
Baka Bet Mo: Francine Diaz posibleng ma-in love kay Seth Fedelin: Kasi lagi naman tayong magkasama, matagal na tayong magkakilala
Sa naturang presscon ay natanong sina Heaven at Marco at ang iba pang ULS loveteams kung anu-ano ang mga bagong discovery nila sa isa’t isa.
Sagot ni Heaven. “Discovery ko kay Marco? Kaya niyang kainin…” hindi pa man niya natatapos ang sasabihin ay nagtawanan na ang mga nasa venue ng presscon.
View this post on Instagram
Tila may ibang ibig sabihin daw ang pagkakabitaw ni Heaven ng kanyang sagot. Natawa rin ang tambalang MarVen nang magetsing kung bakit super laugh ang mga invited press.
Paliwanag ng premyadong aktres, ang gusto niyang sabihin ay kayang kumain ni Marco ng same food araw-araw. Hindi raw nagsasawa ang binata kahit paulit-ulit ang kinakain nito.
“It was always eggs, broccoli and protein shake, and rice… everyday,” natatawa pa ring chika ni Heaven na namula talaga ang face.
Baka Bet Mo: Andrea Brillantes, Francine Diaz iniintriga ng netizens, nagkakainitan nga ba?
Nagsimula sa matagumpay na unang season ng The University Series na The Rain in España (2023), tuloy-tuloy ang pagpapakilig ng MarVen sa mga fans sa mga sumunod nilang proyekto katulad ng “The Ship Show” (2023), “For the Love” (2023), at “Sunny” na showing na ngayon sa mga sinehan.
Ang kanilang susunod na pinakabagong pelikula ay siguradong puno pa rin ng kilig at ipakikita rin ang mga ups and downs ng pakikipagrelasyon. Iyan ay ang “Men are from QC, Women are from Alabang” na base sa libro ni Stanley Chi. Showing na ito sa May 1, 2024.
View this post on Instagram
Samantala, ipinakilala naman sa pangalawang season ng The University Series na “Safe Skies, Archer” (2024) ang
tambalang KrisshRome nina Krissha Viaje at Jerome Ponce na talaga namang nagpakilig din sa mga fans.
Magbabalik sila sa upcoming Viva One serye na “Sem Break”, na mapapanood simula sa May 10, 2024.
Ang anim na episodes na serye ay magpapamalas naman ng bagong kilig na dala ng KrisshRome, na
siguradong ka-iibigan ng mga fans na may kasamang kaba at takot mula sa horror series.
Kasama rin sa “Sem Break” ang susunod na Uni Love Squad na dapat pakaabangan ng lahat – ang HyGab, na kinabibilangan ng bagong batang aktres na si Hyacinth Callado na pinakilala sa Safe Skies, Archer at ang
certified hunk aktor na si Gab Lagman.
Maliban sa pagiging parte ng horror serye na “Sem Break,” ang HyGab ang bibida sa ikatlong season ng The University Series, ang Chasing in the Wild na lalabas na ngayong
Agosto.
Gagampanan muli nila ang roles nila Elyse (Hyacinth) at Sevi (Gab), at siguradong dapat abangan ang bagong magpapakilig sa mga fans ng buong serye.
Patuloy na lalaki ang Uni Love Squad sa bawat bagong season The University Series na gagawin ng Studio Viva at Viva One. Ngayon pa lang ay inaabangan na ng mga fans ang magiging mga kapareha ng ibang bida ng serye, kasama sila Bea Binene, Aubrey Caraan, at Nicole Omillo.
Kaya’t dapat subaybayan ang mas marami pang pakilig mula sa mga loveteams ng Uni Love Squad at kanya-kanya nilang mga susunod na proyekto.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.