Andrea Brillantes, Francine Diaz iniintriga ng netizens, nagkakainitan nga ba? Bandera

Andrea Brillantes, Francine Diaz iniintriga ng netizens, nagkakainitan nga ba?

Therese Arceo |January 14,2022
share this

Andrea Brillantes, Francine Diaz iniintriga ng netizens, nagkakainitan nga ba?

Therese Arceo January 14, 2022 - 01:14 PM

Andrea Brillantes, Francine Diaz iniintriga ng netizens, nagkakainitan nga ba?

FRIENDSHIP over na nga ba para sa Gold Squad members na sina Andrea Brillantes at Francine Diaz?

Marami kasi sa mga “Marites” ang nakapansin na tila in-unfollow ni Andrea ang kaibigang si Francine sa Instagram matapos kumalat ang family pictures nito kasama ang kaibigan at myembro rin ng Gold Squad na si Seth Fedalin.

Matatandaang unang nagkasama ang tatlo sa Kapamilya serye na “Kadenang Ginto” kung saan nabuo rin ang Gold Squad. Kasama rin nila si Kyle Echarri na ka-loveteam naman ni Francine.

Ayon sa mga kumakalat na chika, magkasama raw kasi sina Francine at Seth na nag-celebrate ng New Year na tila isang malaking pasabog para sa mga sumusuporta sa FranSeth o Francine-Seth loveteam.

Dumami tuloy ang mas naging curious kung may namumuo nga bang espesyal na ugnayan sa dalawa.

Ngunit tila may isang apektado nang kumalat ang mga larawan nina Seth at Francine, at ‘yon ay walang iba kundi ang ka-love team ni Seth at member rin ng Gold Squad na si Andrea Brillantes.

In-unfollow daw diumano ng batang aktres ang kaibigan matapos kumalat ang mga larawan ng mga ito sa social media pero makalipas ng ilang oras ay muli nang naka-follow si Andrea sa kaibigan.

Marami ang nag-akala na baka napindot lang o di kaya’y glitch lang sa Instagram ngunit makalipas ulit ng ilang oras ay makikitang kahit si Francine ay naka-unfollow na kay Andrea.

May mga hugot rin daw ang mga naging IG story ni Andrea pati na rin ang ilang TikTok videos nito.

At kahit sa TikTok ay makikitang hindi na connected ang dalawa sa isa’t isa.

To the rescue naman ang fans ni Francine para ipagtanggol soya ukol sa kasalukuyang isyu.

Marami ang nagsasabi na blinock daw ni Andrea si Francine para magmukhang in-unfollow rin siya ng batang aktres dahil ang “totoo” raw ay si Andrea lang naman talaga ang galit na galit matapos kumalat ang mga larawan at hindi man lang daw kinausap si Francine ukol dito.

May mga fans rin na nagsasabing kung totoo mang may namamagitan kina Seth at Francine ay wala raw karapatan si Andrea na magalit dahil magka-love team lang naman daw sila.

Ang tanong, friendship over na nga ba para sa magkaibigang Andrea at Francine?

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Francine Diaz (@francinesdiaz)


Sa ngayon ay nananatiling tahimik ang tatlo hinggil sa isyung ito.

Samantala, bukas naman ang BANDERA sakaling naisin nina Andrea, Francine, at Seth na magbigay linaw ukol sa isyung ito.

 

Related Chika:
Francine, Seth magkasamang nag-celebrate ng New Year; ibinuking nga ba ni Kyle?

 

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending