Francine, Seth magkasamang nag-celebrate ng New Year; ibinuking nga ba ni Kyle? Bandera

Francine, Seth magkasamang nag-celebrate ng New Year; ibinuking nga ba ni Kyle?

Reggee Bonoan |January 13,2022
share this

Francine, Seth magkasamang nag-celebrate ng New Year; ibinuking nga ba ni Kyle?

Reggee Bonoan January 13, 2022 - 07:19 PM

Francine Diaz at Seth Fedelin

MAY TikTok video kung saan hinahampas ng unan nina Andrea Brillantes at Francine Diaz si Kyle Echarri habang tawa naman nang tawa si Seth Fedelin.                                                                             
Sa pagkakaintindi namin ay nagbibiruan ang apat hanggang sa nagsalita na si Kyle kung bakit siya ang hinahampas, “Bakit ako, hindi ‘yung boyfriend mo, oh (sabay turo kay Seth).”                                 
Nagulat si Seth sa sinabi ni Kyle at sabay patong ng throw pillow sa ulo nito pababa sa mukha habang si Andrea naman ay dedma lang.

Maya-maya ay nawala na ang video at hindi na mahanap kaya feeling namin ay nadulas si Kyle sa sinabi niya tungkol kina Francine at Seth.

May iniingatang partnership ang apat bilang KyCine at SethDrea lalo’t marami silang projects sa ABS-CBN bukod pa sa mga product endorsements.

Bukod dito, may naglabas din ng larawang magkasama noong Bagong Taon sina Francine at Seth with their respective families na ipinost ng nangangalang Merdick Saenz Diaz sa Facebook account nito na may nakalagay pang, “Happy new year” at “late upload happy new year.”

May tinanungan kaming tao tungkol sa isyung ito at nagulat din siya dahil wala rin siyang alam. Naisip namin baka naman talagang super close na rin sina Seth at Francine dahil sa The Gold Squad.

Hintayin na lang natin ang magiging paliwanag ng dalawang youngstars bago natin sila pangunahan at mag-assume.

* * *

Bilang gumaganap na General Delfin Borja sa “FPJ’s Ang Probinsyano” si Jaime Fabregas ay sinusunod siya ng kanyang mga kasamahan sa Task Force Aguila sa pangunguna ng apong si Cardo Dalisay played by Coco Martin.

Nakabibilib ang lakas hanggang ngayon ni Ginoong Jaime dahil kering-keri pa rin niyang makipagsabayan sa bakbakan simula pa noong day 1 ng aksyon serye.

Kapag wala silang taping ay nagkakausap-usap sila, nagbibigayan ng kuro-kuro tungkol sa nangyayari sa bansang Pilipinas lalo’t paparating ang 2022 eleksyon.

Nabanggit ni lolo Delfin ni Coco na bilang kababayan niya si VP Leni Robredo ay nasubaybayan nito ang lahat ng ginawa nilang mag-asawa noon sa Bicol kaya hindi naman nito itinanggi na suportado niya ang biyuda ni dating DILG Secretary Jesse Robredo.

“Iparamdam natin sa buong Pilipinas ang galing, lakas at pusong Bicolano. Ipakilala natin sa kapwa Pilipino ang tapat na pinuno.  At ipakita natin sa buong mundo ang kakayanan at katatagan ng ating lahi,” wika ni Fabregas.

Parang ganito rin ang umeereng kuwento ng FPJAP na naglalaban sa pagka-presidente sina Lorna Tolentino at John Arcilla na halos iisa naman ang tumbok nila, ang makapagsamantala sa kanilang mga posisyon kapag nahalal na.

At hinihingi pa ng dalawa ang suporta naman ng isa pang ganid na negosyante ng Norte na si Tommy Abuel na kahit may karamdaman ay puro pangungurakot pa rin ang nasa utak kaya hindi sila magkasundo ng anak na si Aurora played by Sharon Cuneta.

Seth Fedelin may promise sa madlang pipol; nagse-share na ng secrets kay Andrea

Andrea hindi naghahanap ng dyowa: Masaya na po ako sa relasyon namin ni Seth ngayon

Francine Diaz sa pagsali sa beauty pageant: I don’t think it’s for me

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending